Chapter 7: Handkerchief

526 37 6
                                    

Cristina Apello's POV

Linggo na ngayon. Isang araw na rin ang lumipas mula noong napaginipan ko ang lalaking walang ugali sa SHOP na hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa din sa akin.

"Hali ka na Tina. Samahan mo ako. Mag-jogging lang naman tayo. Segi na please pumayag ka na."

Napangiwi ako nang dahil sa pangungulit sa akin ni Xyriel.

"Xyriel naman..."

"Segi na."

"Ayaw ko."

"Pumayag ka na nga."

Isang subdivision ang lugar na ito pero ayaw kong mag-jogging kasi maaalala ko lang si Cocoy na palagi akong kinukulit nang kay aga-aga taga-Sabado at Linggo para lang makapag-jogging.

Napakakulit pa naman ng lalaking iyon.

"Please..."- saad ng pinsan ko na ngayon ay nakasuot na ng perfect outfit niya kuno. Ibig sabihin, ready na talaga siya.

"You know what, first day of school na tomorrow at magiging busy na naman for school works next week kaya malilimitahan na ang pagjo-jogging. Pumayag ka na Tina kahit samahan mo lang ako ay ayos lang." Dagdag pa niya.

Tama siya. Simula na nga ng klase bukas.

Napahawak nalang ako sa noo ko.

"Segi na nga sasamahan na kita pero hindi nalang ako magsusuot ng kagayang sinusuot mo."

"Good to hear that but are you really sure na magjo-jogging ka ng nakajeans at T-shirt? Segi nga pinsan paki-explain sa akin."

Sarkastiko akong napatawa nang dahil sa sinabi niya pero agad namang sumeryoso ang mukha ko at tiningnan siya ng 'magpapasama-ka-O-ikaw-nalang- mag-isa- look'.

"Alright. Tara na nga."- Nakangiting tugon niya sa akin saka ako hinila.

"Good girl."

Mabuti naman sa kaniya.

Lumabas na kami dito sa malaking gate nila. Napapailing nalang akong napatingin sa pinsan ko na ngayon ay may pa-warm-up-warm-up pang nalalaman.

At dahil nagsimula na siyang tumakbo ngayon ay nakisama nalang rin ako sa kaniya. Mahina lang kaming tumatakbo, nauna lang ako ng konti kesa sa kaniya.

"Hinay-hinay naman pinsan."- pagpigil ni Xyriel sa akin na ngayon ay naghahabol na ng kaniyang hininga.

Hindi pa nga kami nakakalayo.

Tiningnan ko ang mukha niya na ngayon ay tumatagaktak na ang maraming pawis ganoon din sa akin pero hindi masyadong kagaya sa kaniya.

Immune na kaya ako sa ganito doon sa probinsya.

Buhay probinsyana nga naman.

"Gusto mo ito insan diba?"- pagtatanong ko sa kaniya na tuloy-tuloy pa rin ang pagtakbo pero mahina lang.

"Tutal ikaw naman nagpasimuno nito edi panindigan mo."- dagdag ko pa na pangiti-ngiti lang habang hinihintay siyang sumagot subalit wala akong narinig kahit niisang boses.

"Xyriel?"- Tumigil ako saka tumitingin sa paligid ngunit wala talaga akong nakitang Xyriel.

Topakin talaga.

"Saan kaya iyon nagpunta?" mahinang bulong ko.

Umupo muna ako dito sa may halamanang katabi ng isang puno. Kinokontrol ko ang aking hininga habang pinapahiran ang tagaktak kong pawis gamit ang dalawa kong kamay nang nakayuko.

"Miss."

Agad akong napatigil sa aking ginagawa nang dahil sa narinig kong boses lalaki sa harapan pero nanatili lamang akong nakayuko.

Huwag kang tumingin Cristina. Mag-isip ka ng paraan para maka-alis.

"Miss..."

Hindi ako kumibo.

Nakita ko nalang na may inilahad na isang panyo na kulay skyblue ang sino man itong taong nasa harapan ko ngayon.

Naku. Tulong!

Tama nga itong hinala ko. Modern technique ito sa pagki-kidnap. Yung magbibigay sila ng panyo na may nakalagay nang lason para madaling mapatumba ang bibiktimahin nila.

"Hey Miss."- Pabagsak pero malumanay na saad ng taong nasa harapan ko ngayon.

"I think you badly need this handkerchief."

Mali ba ako?

Hindi pa rin ako kumibo at naghintay lang ng ilang segundo bago nagsalita ulit ang lalaking nasa harapan ko.

"Use this."

Mas lalo akong napayuko.

Mali pala ang aking iniisip. Ang advance ko masyado. Nakaramdam ako ng kahihiyan para sa sarili ko kung kaya ay napatingin ako sa taong nasa harapan ko ngayon.

"Woooa..." mahinang naisambit ko nalang.

Agad akong natigilan sa aking nakikita. Sino ba ang hindi? Anak ba siya ni Hermes o siya na talaga si Hermes?

Tao siya pero bakit pakiramdam ko ay hindi? Sa gwapo ng lalaking nasa harap ko ngayon aba'y sino ang hindi magpipigil ng laway upang ito'y di tumulo.

Infairness ang gwapo niya Cristina.

Nanatili lamang akong nakatingin sa mala-perpektong pagmumukha ng lalaki. Siya na ata ang lalaki na pinakamaputi at may mala-perpektong ilong at mapupulang labi na nakikita ko sa buong buhay ko. Kung 'yong lalaking walang ugali sa SHOP ay maputi, ay mas maputi itong nasa harapan ko. Aish.

Bakit ko nga ba sila kinukumpara?

Maya-maya ay narinig ko nalang siyang tumawa ng mahina.

"Get and use this right now."

"Haaa? Po? Bakit?"

Nakita kong napahawak ang lalaki sa chin niya at napangisi ng abot mata nang dahil sa sinabi ko.

Ang tanga mo Cristina. Nakakahiya ka.

"You can use my handkerchief to wipe off your sweat."

Napayuko nalang ako sa sinabi niya at dahil na rin lumalabas ang aking magandang ngiti. Nakakahiya naman kung makikita niya pa.

"Papaano? Ay este, salamat!"

Nakita kong ngumiti din ang lalaki sa akin na para bang nagsasabi na walang anuman bilang pagsagot sa sinabi ko.

Ang gwapo.

Nawala ang maganda kong ngiti nang napatango siya saka nag-wave hands sa akin at naglalakad na palayo.

Aaminin ko na talagang pango ang aking ilong. Grabeee ang gwapo, hindi ko kinaya.

May tao palang ganoon ka adonis. Tiningnan ko ang panyo na ibinigay ng lalaki sa akin kanina saka ko ito masayang ipinapahid sa aking mukha.

Ang bango naman.

Bigla nalang akong natigilan saka nagsink-in sa aking utak ang lahat-lahat. Iniwan ng lalaki ang panyo niya sa akin.

Pwedeng akin nalang ito?

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon