Chapter 62: Last Moment

202 8 6
                                    

Vhaon Lopax's POV

Umalis na si Cristina.

Madali akong napakuyom ng aking dalawang kamao. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkairita. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit ang bagal kong kumilos kanina. Kung mas binilisan ko pa sana ang pagtakbo at lakad ko edi sana nakausap ko pa si Cristina bago siya sumakay sa pesteng eroplanong iyon papuntang Canada.

"Vhaon..." Mahinang pagtawag sa akin ni Tyler.

Hindi ko siya nilingon bagkus ay napatingin ako sa malayo. Maya-maya pa'y tumagilid ako nang naramdaman ko ang isang butil ng luha mula sa aking mata.

This is it. She's really leaving. Hindi ko manlang alam kung kailan siya babalik. Wala na akong Cristina pa na makikita't makakausap. Ni hindi ko na rin siya masisilayan pa. Pero isa lang ang sigurado ako, mananatiling maghihintay ang puso ko para sa kaniya.

Madali kong pinahiran ang luha ko gamit ang likod ng aking kamay, mahirap na baka may makakakita pa sa akin dito na umiyak ako at mapagkamalan pa akong isang duwag at bakla dahil ayon pa sa kanila, wala sa bokabularyo ng mga kagaya ko ang umiyak. Tss. Doon nga sila nagkamali dahil walang niisang tao sa mundong ito ang hindi umiiyak. Sapagkat kung wala ng ibang magawa pa ang tao sa isang bagay, nagsisilbing huling hantungan niya ang pag-iyak.

Mapait na napangisi pa ako nang may pumasok sa aking isipan. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako umiyak sa isang babaeng minamahal ko talaga ng sobra maliban kay Mama. Ang lakas talaga ng tama ko sa'yo Cristina, ikaw palang ang kauna-unahang babaeng nagpaiyak sa akin.

"Alam ko kung gaano ka nasaktan ngayon Vhaony Boy. Pero wala na talaga tayong magagawa pa, tayo itong wrong timing. Kailangan nalang nating tanggapin na umalis na si Cristina..." Nakayukong ani pa ni Tyler.

Napatingin naman ako sa isang bagay na hawak niya ngayon. Hindi ko man lang napansin na may dala pala siyang isang bulaklak mula pa kanina.

Nang mag-angat na ng kaniyang titig si Tyler ay sabay niyang inilahad sa harapan ko ang isang rosas na halatang kakapitas lang.

"I'll give this to you. Atleast maibsan ng puting rosas na ito ang sakit na nararamdaman mo ngayon..."

Mahina akong napasinghal.

"I don't need that."

Natigilan pa siya saka mariing hinawakan at inilagay nalang ang rosas sa kaniyang gilid. Halatang nag-iisip pa siya kung ano ang kaniyang isusunod na sasabihin sa akin.

"Okay, sabi mo e. But to be honest, kinuha ko itong rosas na ito doon sa parking lot ng airport. Marami pang mga bulaklak doon Vhaony Boy, may daffodil, sampaguita at gumamela..."

Ano namang paki ko sa mga bulaklak na sinasabi niya? Mabuti pa sana kung maibalik sa akin ng sinasabi niyang mga bulaklak na 'yan si Cristina.

"You know that I'm not really into flowers." Napailing kong pagsagot.

Tumikhim pa si Tyler kaya madali akong napabuntong-hininga.

"Ano pa bang hinihintay natin dito? Umalis na tayo." Nababagot kong saad saka na tuluyang tumalikod.

"Ewan ko nga ba kung nasaan na sila Axe at Carl. Peste! Hindi manlang sila nag-text kung nasaan na sila ngayon o kung nakauwi na ba sila sa mga lungga nila. Nakakabanas!" Narinig kong singhal ni Tyler at alam kung nakatayo parin siya sa pwestong kinatatayuan niya simula pa kanina kung kaya ay nagsimula na akong naglalakad para sumunod na siya.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon