Chapter 27: Palaka

284 17 0
                                    

Cristina Apello's POV

Lunes na naman at balik na sa klase. Nandito na kami ni Xyriel sa silid namin. Nandito na rin si Rhain. Sa totoo niyan ay lahat ng aming mga kaklase ay nandito na.

Tumahimik nalang kami ng pumunta sa harapan ang class president namin na si Mica Tinchez.

"Good morning everyone." Seryosong mukha na bati ni Mica sa amin.

"Good morning." pabalik din namin na bati sa kaniya.

"For today's announcement, our teacher which is Mrs. Veda is not around..."

Hindi naitapos ni Mica ang kaniyang sasabihin nang malakas na nagsisigawan na ang lahat ng mga kaklase ko sa narinig na absent si Ma'am.

"Keep quite please." Dagdag pa ni Mica. Madali naman na tumahimik ang lahat.

Nakita ko na itinaas ng kaklase kong lalaki na si Ryle ang kaniyang kaliwang kamay.

"Yes Ryle. May sasabihin ka?" Mica na tiningnan si Ryle ng taimtim. Madali namang tumayo si Ryle.

"Wala si Ma'am Veda kaya ang ibig sabihin ay wala tayong gagawin ngayon. Yes! Right Pres?"

Naghiyawan naman ulit ang mga kabarkada ni Ryle sa likod nang dahil sa sinabi niya pero tumahimik naman ulit nang nagsalita na si Mica.

"No. Hindi ibig sabihin na wala si Ma'am ay wala na tayong gagawin."

"Sabi ko nga!" Madaling pagsigaw ni Ryle kay Mica.

"Ang advance kasi. Akala naman tama pero mali naman ang pinagsasabi." Nakapamulsang giit ni Mica.

"Pabida." Dagdag pa niya.

"Lol. Opinion ko lang naman. Ikaw ang pabida." Ryle.

"Loko. Mas ikaw pa."

Hanggang sa nag-iingay na ang mga kaklase ko at tinutudyo na ng malakas ang class president namin at si Ryle. Bigla naman tumayo si Blaze mula sa pagkakaupo at sinuway ang mga kaklase ko sa mga ginagawa nila kaya napatahimik nalang ang lahat.

"And because our teacher is not around, she just left us with this seatwork. We have to answer this to be pass today so that we can check our papers tomorrow." pagpapaliwanag naman ni Mica.

"Ahhh."

Nawalan naman nang gana ang mga kaklase ko sa nadinig.

"Another announcement, we will not be having our acquaintance party for this school year. Ayon sa principal natin na ang acquaintance party are good only for freshmen kaya hindi na tayo dapat magpa-acquaintance party. Well, we don't have a choice but to accept it because the news came from our very own dean."

"Ahhh." Lubos na panghihinayang ng mga kaklase ko.

"Sad but it is true." Nakataas kilay na sambit ni Mica sa lahat.

" Loko. Acquaintance nga e for familiarity. Hindi lang naman sa mga freshmen naa-apply 'yan porket mga hindi pa kakilala kundi pwedi din sa atin. Pwedi naman na kilala mo na 'yong tao pero hindi mo pa close friend. Dyan! Pwedi iyan magpadaos ng acquaintance party." Malakas na naman na sigaw ni Ryle.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon