Cristina Apello's POV
Alas kwatro na ng hapon at tapos na rin ang klase kaya heto kaming dalawa ngayon ni pinsan, binabaybay ang hallway.
Pupuntahan namin ngayon si Rhain na may ensayo sa Music Room dahil nagtext ito kay Xyriel na pupuntahan daw namin siya. Sakto namang walang magaganap na practice sila pinsan sa Cheerdance kaya gora kaming dalawa.
"Muka kang timang kakangiti dyan."- giit ko kay Xyriel na katabi ko ngayon na naglalakad.
Kailan ba ito titigil.
Naloka na nga. Kanina ko pa 'yan nakikitang pangiti-ngiti. Palibhasa kasi makikita niyang magpa-practice ngayon sila Rhain kung saan ay nandoon din si Blaze.
"Excited tas ang happy ko lang siguro Tina."
"Siguro lang kaya?"- pagtatanong ko ng diretsuhan.
"Oh 'di segi na, wala e--- crush na crushy ko talaga sya. Myghad. Kenekilig ako."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napatampal siya sa noo ko.
Tss.
"Nakaisa ka na insan ah!"- banta ko sa kanya.
"Kapag kinilig ay kailangan ba talaga manampal ng ibang tao ganun?" dagdag ko pa.
Napakunot ang noo ng pinsan ko.
"Bakit? Ikaw ba hindi ka ba nangungurot o di kaya'y mananampal kapag tumatawa ka?"
Napaisip ako. Gawain ko 'yong mananapak kapag tumatawa ako.
"Wala kasi sa bokabularyo ko ang di guguluhin ang katabi kapag tumatawa. Kaya segi fair na tayo."
Nagkatinginan kami ni Xyriel at napatawa nalang kaming dalawa.
Napatigil naman kami sa pagtawa ng may narinig kaming mga halakhak mula sa di kalayuan. Nakita namin ang dalawang laging kasama at kaibigan ni Vhaon, sina Tyler at Carl.
"Kulang ata sila."- bulong ko lang sa sarili ko. Napa-smirk nalang ako.
Bakit ko nga ba alalahanin na kulang sila?
"Cristina may crush ata 'yang dalawa sayo."
Napatingin ulit ako kay Xyriel nang dahil sa sinabi niya.
Tiningnan ko din sa kalayuan sina Tyler at Carl na tumatawa at humahalakhak pa rin.
"BWHAHAHAHAHAHHAHAHAHAH." malakas na pagtawa ni Tyler na rinig na rinig naming dalawa ni Xyriel.
"Tumatawa sila pero kanina pa sila tumitingin sayo." dagdag pa ni Xyriel.
Iba na pala depinisyon ng crush ngayon.
"Ang hightech mo Xy, sobraaa. Tumitingin lang may crush na. Iba din." - nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.
"Let's appreciate your eyes na nakakakita pa sa malayo." dagdag ko pang tugon.
Papalapit na kami sa direksyon nina Tyler at Carl.
Nang tuluyan kaming mapalapit sa kanila ay nagulat ako dahil narinig naming nagsalita si Tyler.
"Hi Xyriel and to you Cristina."- napalingon ako sa ibang direksyon.
"Hello Carl, Tyler"- giit naman ni pinsan saka ako sinundot sa tagiliran.
"Bumati ka naman."- bulong pa niya.
Tumingin ako sa direksyon ng dalawa. Nakita kong todo na ngumiti si Carl, ganoon din si Tyler.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...