Cristina Apello's POV
Matapos ang paghalik sa akin ni Vhaon sa noo ay madali lamang siyang nagpaalam sa akin na nakangiti kahit hindi ko alam kung bakit at kung saan siya pupunta. Hindi pa nga ako nakapag-congratulate at nakapagbitaw ng nianong mga salita sa kaniya ay umalis na siya.
Nagpapadyak lamang akong tumalikod at mabuti naman ay nakita ko ang mga kaibigan ko na nagkukumpulan sa gilid.
"Congrats ulit Carly! Congrats sa inyo!" Manghang giit pa ni Rhain kila Carl, Tyler at Axe.
"Thanks." Nakangiting pagsagot ni Axe.
"Oh? Bakit nakabusangot ka dyan Cristina? Nasaan si Vhaon?" Pagtatanong pa ni Carl sa akin nang mahagilap niya ako kung kaya ay napatingin na silang lahat sa akin.
"Madaling umalis. Hindi nga sinabi kung saan pumunta." Sagot ko naman sabay tingin sa kawalan.
"Lintek na Vhaon talaga 'yan! Bigla-bigla nalang nasasaniban, umalis ba naman nang hindi nagpapaalam. Kaninang umaga ay nasa amin siya pero nagulat nalang ako at ang Mommy ko kasi paglipas ng tatlong minuto ay nawala na siya." Nakakunot noong ani pa ni Tyler habang nagpupunas sa mukha niyang basang-basa ng pawis.
"Baka natatae." Walang pakundangan na giit ni Carl na nagpatawa sa aming lahat.
"Gago! Baka nagbihis lang." Sumbat pa ni Axe.
"O baka bumili lang ng makakain." Pagsagot naman ni Blaze habang nakahawak sa kamay ni Xyriel.
"Imposible! Alam na niyang doon na ang punta nating lahat ngayon sa canteen pagkatapos ng laro." Dahilan naman ni Tyler.
Nagkatinginan lamang kami ni Xyriel at Rhain saka nagkibit-balikat.
"Takte! Bahala na nga siya. Magpapakita din naman 'yon dito. Pumunta na nga lang tayong Canteen at nang makapagtanghalian na tayo." Sita pa ni Axe na handang-handa nang kumain. Kung sa bagay, babalik din 'yong lalaking palaka na 'yon.
Madali nalang akong sumunod sa kanila na nauna nang naglalakad papalabas ng court na ito at hindi din naman namin maiwasang hindi mapatigil dahil sa sunod-sunod na bati ng mga estudyante at mga guro dito sa University dahil sa pagkakapanalo nga ng grupo nila Vhaon na naging dahilan sa pagka-champion ng Blue Eagles sa sport na Basketball.
Hindi pa man kami nakaabot ulit sa Canteen ay napagdesisyunan nila Axe na pumunta muna sa kalapit na CR upang makapagbihis na kaya wala kaming nagawa kundi ang maghintay sa kanilang tatlo dito sa labas. Madali naman silang natapos dahil nahihiya sigurong may naghihintay sa kanila pwera nalang kay Carl na punas nang punas ng dalang wipes sa mukha niya.
"Hindi ka man lang napapagod kakapunas ano?" Pagkulbit pa ni Rhain sa boyfriend niya."Ang kati kasi." Carl.
"Paanong hindi kakati 'yan kung kanina ka pa nagpupunas aber?" Sumbat na naman ni Rhain sa kaniya na napapailing nalang.
"Magpunas ka rin ng tissue sa mukha mo Rhainy." Carl na kalmado lang.
"Paano kung ayaw ko? Ikaw nalang! Tutal ay napaka-conscious mo sa mukha mo. Heh!" Angal din ni Rhain.
" Seryoso kayo? Hindi ba kayo napapagod magbangayan?" Ani pa ni Xyriel na nakahawak na sa balikat ko.
"Walang katapusang bangayan Xy." Axe na nakangisi kaya natatawa nalang kami ni Blaze.
"Sana ol may kabangayan. Sana ol walang katapusan. Sana ol may jewa." Sunod-sunod na saad ni Tyler na nagpipito pa.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Novela JuvenilSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...