Xyriel Begru's POV
It is the second day of September and the first Monday of the month. Because it's Monday, inaasahan ko na sa mga mukha nila Cristina at Rhain ang pagkabagot dahil nakukulangan pa sila sa dalawang araw na pahinga pero imbis nga na magrereklamo sila sa akin ngayon ay nagtatanong lamang ang mukha kong napatingin sa dalawa dahil todo sila sa pagngiti sa akin. Kulang nalang ay masasabihan ko sila na para silang mga clown na palaging nakangiti.
Sinundot ko sila isa-isa sa tagiliran.
"Hoy, kayong dalawa. Anong ningiti-ngiti niyo ha?"
"Wala Xy. Alam mo na, September na. Malapit na mag-Christmas!" Mabilis na pagsagot sa akin ni Rhain saka napaayos ng kaniyang upo.
"Advance mo masyado ano?" Pagsiko ko pa kay Rhain tapos tumama ang paningin ko kay Cristina.
"At ikaw? Anong ningiti-ngiti mo dyan?" Pagtatanong ko pa kay Cristina. At nang may naalala ako ay namimilog ang mga mata kong nagbalik ng tingin sa kaniya.
"Owemjiiii! Don't tell me, sinagot mo na si Vhaon?" Hindi ko makapaniwalang pagtatanong kay Cristina. Hindi din naman ako madidinig ng mga kaklase ko dahil may kaniya-kaniya silang ginagawa palibhasa ay nahuli siguro si Mrs. Veda para sa first class niya sa amin ngayon.
Sinimangutan naman ako ni Cristina dahil sa naging tanong ko.
"Hindi oy. Loka."
Mabilis naman akong nanghinayang dahil sa sagot niya. Umasa pa naman akong sinagot na niya si Vhaon. Sa totoo lang ay nababagayan talaga ako sa kanilang dalawa kasi bagay talaga silang dalawa para sa isa't-isa at kitang-kita sa mga panliligaw ni Vhaon na gusto niya talaga si Cristina. Ewan ko nga rin sa pinsan ko e nakikita ko naman na may konting nararamdaman na siya para kay Vhaon pero pinapatagal pa niya. Kung sa bagay, baka kailangan niya pa talagang siguraduhin ang mga kinikilos ni Vhaon palibhasa'y playboy, pero sa tingin ko ngayon ay nagbago na talaga ang Vhaon Lopax. AS IN.
"Kung hindi naman e ano nga?" Sita ko na ngayon sa dalawa na nagkatinginan lang saka nagkibit-balikat at napangiti ulit. Peste.
Magsasalita na sana ako pero agarang pumasok si Mrs. Veda kaya wala nalang akong magawa kundi nakisabay sa mga kaklase ko sa pagbati ni Maam.
"Get one forth sheet of paper. I'll be giving you a quiz today." Diretsong utos ni Ma'am sa amin at ang mga mata kong maliliit ay bumilog lang ng todo pati din ang mga mukha ng mga kaklase ko na hindi makapaniwala sa nadinig.
"Lunes na lunes, surprise quiz agad." Mahinang reklamo pa ni Rhain sa gilid ko tsaka ipinalabas ang papel niya kaya nanghingi nalang din kami ni Cristina sa kaniya.
"Number one..." Tugon pa ni Mrs. Veda.
Sa lahat ng quiz, surprise quiz talaga ang pinakakinakatakutan ko.
"What do you call those organisms that get its nutrition from dead organic matter?"
First question ni Mrs. Veda at hindi ko na kinaya at kung anong pumasok sa utak ko ay 'yon lang ang isinagot ko.
Nang matapos ang short surprise quiz ni Maam ay ipinasa lamang namin ito at madaling sinimulan ni Mrs. Veda ang topic namin ngayon at nang matapos ay ngiting tagumpay naman ako dahil naiintindihan ko ang naging diskusyon niya.
"Before I'm going to dismiss you, I have some announcements to say." Madaling bigkas pa ng aming adviser. Nagsitahimik naman ang lahat at pati na rin ako. Malamang, good student kaya ako.
"This coming Friday will be the school's intramurals. And I'm happy to inform you that for this year, we'll be part of the Blue Eagles. So it's expected from you all to wear color BLUE T-shirt for your upper and of course decent jeans for your lower part of the body this Friday." Mahabang paliwanag ni Ma'am.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Genç KurguSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...