Vhaon Lopax's POV
It has been two months since Cristina and I were in a relationship. And to tell you honestly, I've never been so happy in my life like this. I'm truly deeply madly inlove with the Probinsyana though I didn't expected it at first pero kasi natamaan talaga ako ng sobra kaya ano pa ba ang magagawa ko?
For the past 2 months ay naging masaya naman ang takbo ng relasyon namin ni Cristina. She's a perfect girlfriend material and I did my best too as her boyfriend. May mga panahon na napapasubok kami sa konting mga bangayan, asaran at lalong-lalo na sa awayan pero nalalagpasan naman namin at mabilis kaming nagkakabati.
Napatingin ako sa gawi ni Tyler nang iniwagayway niya ang kamay niya sa harapan ko.
"Narinig mo ba kami Vhaony Boy?" Aniya kaya napangiti naman akong napailing. Nandito kasi kami ngayon sa likod ng bahay nila Carl.
"Naks! Ang ganda talaga ng mga ngiti nitong mokong na ito. Sobrang inlove talaga sa Probinsyana." Atungal pa ni Axe.
Napangisi akong napabuga ng hangin.
"Naman!" Mabilis kong pagsagot at pinatid lamang ako ni Axe sa tuhod."Teka nga, ano bang pinag-uusapan ninyo?" Pagtatanong ko pa sa kanilang tatlo.
"Hindi naman masyadong importante. Sadyang atat na atat lang talaga itong si Tyler na makuha ang atensyon mo." Giit pa ni Axe.
"Lintek ka pa talaga sa mga lintek Ty!" Bulyaw ko pa sa koreanong hilaw na nasa gilid ko at napabungisngis lamang siya sa pagtawa.
"Wala bang inuman na magaganap ngayon? Magchi-chika lang tayo ganon?" Sambit pa ni Tyler.
"Pass muna." Magkasabay naming pagsagot ni Axe sa kaniya.
"Sabado pa naman ngayon. Tamang iwas muna tayo sa walwal." Carl.
Tahimik naman akong nagbaba ng tingin pero nakangiti pa rin. Nang mag-angat na ako ng aking mga mata sa tatlo ay parang binabalatan naman nila ako ng buhay nang dahil sa mga nakakapatay nilang titig.
"Vhaon..." Seryosong pagtawag pa ni Axe sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano naman?"
Nakita kong napakrus ng kaniyang mga braso si Axe. "Vhaon, ngayong nakikita at nararamdaman na talaga namin na mahal na mahal niyo na ni Cristina ang isa't-isa. Ibig ba niyang sabihin ay tapos na?"
"Anong tapos na?" Nagtataka ko pang tanong kay Axe.
Sabay pa silang napatingin sa kawalan bago ibinalik ang titig sa aking mga mata.
"Tapos na ang revenge mo kay Cristina? Wala na ang deal." Tyler.
"Game over na! At ang ending ay hindi natuloy ang deadly revenge mo sa nag-iisang Probinsyana dahil nagkadevelopan kayong dalawa, Vhaony Boy." Carl na pumapalakpak pa kaya nagmumukhang bakla sa paningin ko kung kaya'y mabilis ko siyang sininghalan ng pabulong.
Napatingin ako sa kawalan.
"Wala na talaga? Tapos na? It's already done? What's left in the past, stays in the past? No more revenge for the Probinsyana for real?" Sunod-sunod na pagtatanong pa ni Tyler sa akin.
Inihilig ko ang ulo ko at hindi lamang umimik.
"We'll take your silence as a yes, Vhaony Boy! Congrats! We're very happy for you. Now that you already found your the one and only love of your life!" Anunsyo pa ni Carl at huli ko nang napag-alaman na nagtatalon na sila.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...