Cristina Apello's POV
"Ma!" - sigaw ko kay mama na nasa kabilang linya.
"Na-miss kita ng sobra."
Tama kayo nang dinig, kausap ko ngayon sa telepono si mama. Ikinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari sa akin dito sa lungsod, patungkol sa University'ng pinapasukan ko at marami pang iba pero maliban nalang sa mga pangyayaring masama gaya doon sa shop at sa mga nangyari kanina sa school ay hindi ko nalang kinuwento.
Dahil huwag na.
"Tinang huwag kang masyadong mag-iingay dyan, gabi na."- napatingin ako sa wall clock na nandito sa silid ko. Alas singko na, malapit na mag alas sais.
"Mabuti naman at ok lang ang unang araw mo sa school. Kumain ka na ba anak?" dagdag pa ni mama.
"Tapos na po Ma, ikaw po ba?"
May narinig akong pagbuntong hininga sa kabilang linya.
"Tapos na din anak. Segi anak. Wala na akong load, ingat ka dyan. Mahal ka ni Mama at Papa. Pagbutihin ang pag-aaral. Babye!"
"Segi Ma! Ikaw rin mag-ingat ka dyan! Mahal na mahal rin kita, kayo ni Papa. Pakisabi rin ni Cocoy na namiss ko siya ng sobra!"- panghuling saad ko ni mama saka nawala na ang tawag.
Inilagay ko nalang ang keypad phone ko sa study table na nandito sa silid.
---
"Tina!"
May narinig akong malakas na sigaw sa labas ng kwarto ko at alam kong si Xyriel ang sumigaw.
Sino ba naman ang di makakilala sa boses nito na parang microphone?
Pumunta ako sa pintuan at mabilis siyang pinagbuksan. Sinalubong niya ako ng may matamis na mga ngiti at nakataas ang kanang kamay.
"May ikukwento ako sayo. Dali!"- Hinablot niya ang kamay ko at dinala ako sa kwarto niya na katapat lang ng silid ko.
"Pinansin na naman ako ni Blaze kanina nung practice namin. Kasama niya si Rhain. Alam mo 'yong parang nababali na ang mga buto ko sa loob dahil sa kilig?"
"Ano ba naman 'yan Xyriel. Papaanong mababali ang mga buto mo e inano ka ni Blaze? Binalian ka ba?"
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Ewan ko sayo pinsan. Ikaw ang mahina sa analyzation. Loka."
"Oh, segi nga. E paano ka naman niya in-approach?" kunwari kinikilig kong pagtatanong sa kanya.
"Nag-usap lang naman kami in private. Kaya si Rhain todo makadilat ng mata sa akin. Sinabi ni Blaze na pinsan pala kita and if ever daw na may gagawing masama ang pinsan niya sa akin at sayo ay sabihan lang natin siya dahil willing niyang isumbong si Henize sa mommy nito. As in pinsan ha, first time kong maka-private talk si crushy! Great achievement na 'yon." At nagdi-day dream na naman si Xyriel.
Kung ako rin ang tatanungin. Bagay naman sila ni Blaze. Maganda si Xyriel tas gwapo si Blaze. Perfect match.
"I'm happy for you Xyriel pero sige na umayos ka na malapit ka nang maglaway."
Tatayo na sana ako nang inilapit pa ni Xyriel ang mukha niya sa akin kaya napa-atras ako nang nandidiri.
"Oa naman nito. Pero may nasabi si Blaze sa akin na siya ang nag-tour sayo sa Campus?"
Napatigil ako at agad na napatango.
"Oo. After ko nabato sa noo si Vhaon ay nakita ko si Blaze at siya naman ang nag-insist na i-tour ako kaya um-oo ako. Tas nung time pa na ti-nour niya ako e naiihi na ako. Naloloka na rin ako kasi nung nagpaalam ako sa inyo ni Rhain sa canteen ay nalimutan kong hindi ko pa pala alam ang papuntang Comfort Room. Kaya itinuro ni Blaze sa akin at nalaman ko nalang rin mula sa kaniya na may cr din every classroom."
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
JugendliteraturSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...