Chapter 35: Pakipot

203 10 0
                                    

Vhaon Lopax's POV

Ang paningin ko ay nakatutok lang sa harapan kung nasaan nandoon nakatayo ang Probinsyana.

"Sing to us the chorus of your favorite song." Giit pa ni Sir Juel.

Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha ni Cristina at ngumiti din siya ng konti. Buti naman. Nung umakyat pa kasi siya kanina sa stage e parang hihimatayin na siya sa kaba.

Tss. Dapat lang na mahihiya siya sa nag-iisang Vhaon Lopax na makikinig sa kanya ngayon.

Napangisi ako. Nagugulat naman akong napatingin kay Tyler na nakaupo ngayon dito sa tabi ko.

"Hoy, anong tinatawa-tawa mo dyan ha?" Pagtatanong niya pa ng nakangisi. Putek. Aangal pa sana ako pero nagpatuloy siya sa pag-iingay.

"Dahil 'yan kay Cristina ano? Yiie. Crush mo sya. Pinapahirapan mo lang sarili mo. Aminin mo na kasi e."

Baliw ba siya?

"F*ck." Napamura ako kaya napatingin naman sina Axe at Rhain sa akin. Sinamaan ko nalang ng tingin ang katabi kong loko-loko at nag peace-sign lang siya sa akin. Pagkatapos ay dumapo ang mga mata ko kay Carl na ngayon ay todong nakatingin pa rin kay Rhain. Inlove na inlove ka talaga dre.

Agad nalang napunta pabalik ang mga mata ko kay Cristina ng marining namin ulit si Sir Juel na nagsalita.

"Okay. On three, two, one go." Huling giit ni Sir.

Nakita ko namang napabuntong hininga pa ulit si Cristina at nang tumahimik na ang lahat ay nagsimula na siyang kumanta sa sinasabing chorus ng paborito niyang kanta.

"To be is all I gotta be.
And all that I see.."

Natigilan ako sandali.

Pagkatapos ay nakaramdam ako na parang matatawa ako at dahil ayaw kong makarinig ang iba pang nandito ay nagpipigil nalang ako. Ewan ko pero--natatawa ako sa boses niya. Sa boses ni Cristina.

Hindi naman sa pangit talaga ang boses niya pero para sa akin ang pangit talaga e. Ang lamig pa ng boses niya pagkatapos napapaos pa siya dahil siguro kinabahan siya. Ewan ko ba. Panget. Plus one point nalang siguro ang paborito niyang kanta na kinanta niya kasi hindi napabilang sa mga masasabi kong cheesy lovesongs.

"And all that I need this time..."

At dahil nagpipigil parin ako ng tawa ay napatingin na rin sa akin si Carl.

"Anong tinatawa mo na naman dyan? May nakakatawa ba? Makinig ka nga." Asik pa niya sa akin.

Nag-iinarte naman akong parang nasusuka.

"Ang lamig ng boses niya pero maganda." Dagdag pa ni Carl.

"Galing..." Narinig ko pang bulong ni Tyler sa gilid ko na nakapokus parin ang paningin sa harapan.

Maganda ang boses ng Probinsyana?

Nagpapatawa ba sila? Nabingi ba sila? Mas maganda pa ata boses ko kaysa sa kanya. Basta sakin---it's a NO. Napatingin ako kay Cristina saka ngumisi sa kaniya.

Sana hindi nalang siya nag-audition. Hindi siya tatanggapin ni Sir Juel. That's for sure.

"To me the life..."

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon