Chapter 61: Departure

178 6 2
                                    

Vhaon Lopax's POV

Matapos ang araw na napag-alaman kong sa ibang bansa na nga mag-aaral si Cristina ay para bang ang ideyang iyon ay hindi na mawala-wala sa isip ko. Nung isang gabi pa nga ay hindi talaga ako pinapatulog ng maayos. Dumating ang araw na Huwebes at walang oras na hindi ko tinititigan si Cristina habang nagpa-practice kami hanggang sa isa-isang ibinigay na sa amin ang mataas na black coat at ang mga sash namin na may nakaukit na Junior High School Completer na susuotin namin para sa totoong importanteng seremonyas bukas: ang Moving Up.

Wala din akong pagkakataon na makausap siya dahil palagi siyang may inaabala at dahil na rin palaging kinukuha ang atensyon niya kila Mrs. Veda. Kung papalapit palang ako sa pwesto niya ay palaging wala sa modo ang pagmumukha niya kaya naiiwan akong napabuntong-hininga nalang.

This current situation makes me want to escape reality even if this is the reality. And the truth is, the idea of Cristina occupies the whole space of my brain.

"Don't worry Vhaony Boy, makakausap mo rin si Cristina." Pagpapatatag ng loob ni Tyler sa akin nang papalabas na ako dito ng hideout namin.

Nanlulumong sinenyasan ko nalang siyang aalis na ako. Wala na talaga akong gana.

"Pagsasabihan ko nalang sila Axe at Carl na maaga ka ng umalis. Take care Vhaon! Matulog ka ng maaga para bukas!" Panghuling mga sigaw na binitawan ni Tyler.

Naiinis nalang akong naglalakad na papalayo. Hindi naman ako excited bukas. Excited siguro ako sa ideyang kahit isa o tatlong minuto manlang ay makausap ko si Cristina dahil lintek na---huling araw nalang bukas upang masilayan ko ang pagmumukha niya bago man lang siya pumuntang Canada at kalimutan ako. Mabilis pa akong natigilan nang nandito na ako sa harap ng silid namin pero napailing nalang din nang nasilayan kong wala itong katao-tao.

Malungkot lamang akong dumiretso sa parking lot at mabilis na sumakay sa motor ko saka pinaharurot ito papalayo papunta sa mansyon namin.

"Ang gwapo kong alaga ay nandito na..." Bungad sa akin ni Nanay Ester. Nakakunot noo ko lang siyang tiningnan saka nagmano.

"Huwag kanang magbiro sa akin Nay." Pagsagot ko pa.

Nakangisi siyang napatingin sa akin. "Bago 'yan sa'yo ha, ang hindi tanggapin ang komento ko pero sa bagay, hindi ka na nga gwapo ngayon. Simula pa nitong nagdaang mga araw kasi lagi ka nalang nakakunot-noo kung umuwi dito sa mansyon. Diba dapat masaya ka kasi moving-up na ninyo bukas tas asahan mo pang manonood ako sa'yo doon habang tinatanggap ang certificate mo sa harapan ng maraming tao."

Madali akong napailing. "Hindi nga dapat ako magsaya."

"Aba, bakit naman?" Madaling pagsagot niya.

Napatingin lamang ako sa kawalan at maya-maya pa'y nahagilap ng dalawang mata ko ang paglabas ni Tita Caye mula sa kusina.

"Vhaon, sweetie nandito ka na pala." Nakangiting bungad niya sa akin. Napangiti lamang ako ng mapait bago nagmano sa kaniya. Totoong bukal na sa puso kong tinatanggap ko siya bilang pangalawang ina ko. Tama naman si Cristina, kung paiiralin ko lang ang galit sa puso ko ay hindi ako matatahimik. Mabait din naman si Caye sa akin kaya nararapat na maging mabait din ako sa kaniya. At kung hindi dahil kay Cristina, hindi ko sana mauunawaan ang totoong pagpapatawad at ang ideyang pagtanggap.

"Nga pala Vhaon, maya-maya ay uuwi na ang daddy mo dala ang regalong pinabalot na namin sa isang shop kahapon. Alam kong magugustuhan mo 'yon." Natutuwang dagdag ni Tita Caye.

Tahimik lamang akong napatango.

"Thanks." Mahinang sambit ko pa.

"Sa tingin ko ay may problema..." Narinig kong bulong ni Nanay Ester kay Tita Caye.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon