Chapter 26: Book Store

283 17 0
                                    

Cristina Apello's POV

Maaga kaming tatlo nina Rhain at Xyriel na nagising ngayon. Tapos na din kaming naligo at nakabihis na kami ng maayos. Dito lamang kami sa kwarto ni pinsan natulog kagabi. Natatawa nga ako kasi ang kulit katabi ni Xyriel kung matulog. Walang oras na hindi niya ako pinaghahampas ng braso niya.

Matapos namin kumain ng umagahan ay nandito na kami sa sala. Wala na din si Tita Sandra dahil maaga siyang nakaalis pero nakapagpaalam naman kami sa kaniya ng maayos.

At ngayon ay inaayos na ni Rhain ang mga gamit niya sa bag dahil uuwi na siya. Napagdesisyunan din namin ni Xyriel na ihatid siya pauwi. 

"Hanggang sa uulitin ang sleepover." Rhain na nakanguso pero malungkot ang mukha.

"Kahit araw-arawin pa." Nakapamulsa ko naman na giit sa kaniya.

"Segi ba." Rhain.

"Wao. Nahiya ako sa mga pinagsasabi ninyo. Bahay niyo ba ito?" Sarkastikong tugon ni Xyriel.

"Grabe." dagdag pa ni pinsan na nakataas ang kanang kilay.

"Nag joke lang kami Xy." natatawang ani ni Rhain. Isinuot na ni Rhain ang bag niya sa magkabilang balikat.

"Actually, I'm just kidding too." Naka peace sign na tugon ni Xyriel.

Nag-apir naman kaming tatlo.

"Thank you Xy. Thank you Tina. Mami-miss ko kayo." Rhain na parang maluluha na.

Madali ko naman siyang kinurot sa tagiliran.

"Ang oa naman nito. Magkikita pa naman tayo sa Lunes. Sus."

Binelatan lang ako ni Rhain.

Madali naman kaming nahimasmasan ni Rhain ng nagsalita si Xyriel na nakahanda na si Kuya Bens. Kaya wala na kaming nagawa pa kundi ang tumungo na sa garage.

"Xy, favor naman oh." Mahinang giit ni Rhain kay Xyriel ng makapasok na kami dito sa kotse. Nandito kaming tatlo sa likod ng kotse nakaupo. Katabi ko si Rhain, bali nasa gitna siya naming dalawa ni pinsan.

"Yes?" Madaling pagsagot ni Xyriel.

Naramdaman ko na ring pinagalaw na ni Kuya Bens ang kotse.

"Pweding tumigil muna tayo sa Happy's Book Store? Titingnan ko lang ang mga bagong released nilang libro tas gusto ko lang makita kung mayroon na silang libro ng Nineteen Minutes kasi bibili ako." Bulong pa ni Rhain na rinig ko naman.

"Sure." Matipid na pagsagot ni pinsan saka ngumiti sa aming dalawa ni Rhain.

"Kuya Benny, tumigil muna tayo sa Book Store please. May bibilhin lang kami." saad ni Xyriel kay Kuya Bens.

Tumango lamang si Kuya Bens bilang pagsagot basi sa nakikita ko dito sa side mirror.

Habang nasa byahe ay kumakanta lang kaming tatlo dahil nagpa-music si Rhain sa kaniyang cellphone.

"Nandito na tayo sa book store." Giit ni Kuya Bens nang itinigil na niya ang kotse.

"Salamat. Hintayin niyo nalang po kami dito. Promise po hindi kami magtatagal." masayang ani ni Xyriel.

"Segi, pumunta na kayo doon. Dito nalang ako. Alam ko namang magtatagal talaga kayo doon. Wala iyong problema sa akin." Malumanay na paliwanag ni Kuya Bens sa amin.

Napatawa pa kaming tatlo bago nagpaalam kay Kuya Bens at nagpasalamat ng paulit-ulit. Kung kaya ay nakangiti kaming bumaba sa kotse.

"Wow!"

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon