Cristina Apello's POV
Nagmamadali akong naglalakad ngayon papalayo doon sa bulletin board section ng paaralan.
Nakakabadtrip. Unang araw palang pero ito na agad ang bubungad sa akin?
Sa pagmamadali ko sa paglalakad ay hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako.
Ako na talaga ang reyna ng kamalasan!
"See what you are up to!"- galit na sigaw ng babaeng nabangga ko.
"Nah." mahinang bulong ko.
Napayuko nalang ako ngayon. Hindi ko siya kayang tingnan sa mukha dahil sadyang wala ako sa modo na tumingin.
"Look! My clothes are already contaminated because of what you've done."
Nakayuko pa rin ako.
Nakakabanas!
Hindi ko naman nararamdaman na nagdadala siya ng mainit na kape o tubig o maski ako ay hindi ako nagdala ng mga iinumin para madumihan ang damit niya sa pagbangga ko.
Papaanong madumihan ang damit niya?
"Arte." bulong ko pa din.
"Ano? Magsalita ka!"
"Sorry."- mahinang saad ko saka tiningnan ang babae. Hindi naman ako ganoon kasama para hindi mag-sorry sa kaniya, tutal ako naman ang nakabangga.
Nagulat nalang ako sa nakita ko sa harapan at napabuga ng hangin.
Siya ang babae sa SHOP.
'Yung babaeng ka-date kuno ng lalaking walang ugali. 'Yung halos lumugwa na ang malaking dibdib dahil sa suot. Naku naman.
"You look so familiar."- saad niya na sinusuri ako mula sa paa hanggang ulo.
"If I'm not mistaken, ikaw ang babae sa Shop na nagtapon ng saplot ng tsinelas sa akin at kay Babe Vhaon ko. Now! Look at me. Tingnan mo na naman ang ginawa mo sa akin ngayon. Argh!"- giit niya sa akin na umuusok na ang ilong sa galit.
Parang gusto niya akong lapitan at sapakin siguro pero nagtitimpi siya. Pumupula na rin ang mukha niya.
Ganito ba talaga ang simula ko dito sa paaralang ito?
"Psh."- naisambit ko nalang sa kaniya.
"Ow. Really? 'Yan lang ang sasabihin mo?"
"Nag-sorry na nga ako. Bingi lang?"
Tumingin siya sa akin na halos lumugwa na ang mga mata sa galit dahil sa akin.
"Pero kung hinihingi mo ang sorry ko patungkol doon sa Shop? Well gurl sorry dahil hindi ko maibibigay. Tanungin mo muna sarili mo kung bakit." dagdag ko pa.
Bakit ako hihingi ng sorry sa kaniya patungkol doon sa shop e sila ng ka date niya ang may sala at hindi ako.
"Magbabayad ka sa akin. Sino ka ba ha?"
"Gusto mo talagang malaman kung sino ako? Sorry not sorry. Paki search nalang please."
"Kung makapagsalita ka akala mo naman kung sino ka! Alam mo ba kung sino ako dito? Mayaman at sikat ako."
Napaismid ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ewan nang dahil sa sinabi niya.
Maya-maya pa'y agaran nalang na may sumigaw galing sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...