Chapter 37: Hug

145 11 0
                                    

Cristina Apello's POV

Nang makauwi na ako dito sa mansyon ay naabutan ko na si Xyriel na nasa sala kaharap ang laptop niya at nakipag-video chat kay Rhain. Pero madali ko munang dinala ang mga pinamili ko sa kitchen at tinulungan pa ako ni Nanay Taling. Nang matapos ay saka ko na nilapitan si Xyriel.

"Kamusta ang pamimili?"

Pagtatanong pa ni Xyriel saka binuksan ang potato chips na nasa lamesa. Sinenyasan niya pa akong kumuha pero napailing lang ako dahil busog pa ako sa kinain ko kanina sa kotse.

"Ayos lang naman." Mahinang pagsagot ko pa. Naalala ko na naman si Blaze pero napapailing nalang ulit ako. Ano ba 'yan...

Blaze.Blaze.Blaze.

"Hiii Cristina!" Pagbati sa akin ni Rhain nang humarap na ako sa kamera.

"Hi Rhain." Simpleng bungad ko din.

Napatingin naman uli ako kay Xyriel at doon ko na napapansin na namumula ang maputi niyang mukha.

"Anong nangyari dyan sa mukha mo? Ba't namumula?" Pagtatanong ko pa kay pinsan saka na ako umupo dito sa sofa na katabi niya.

Narinig ko namang tumawa si Rhain.

"Aish. Ang init kasi doon kanina. Nakalimot akong magdala ng sumbrero o kahit payong man lang." Nababagot na ani ni Xyriel sabay kain ng chips niya.

Napatingin uli ako sa screen nang magsalita si Rhain. "Alam ko na solusyon dyan Xy, cold shower o magdampi ka ng ice sa mukha mo. Makakatulong 'yon para mawala na ang pamumula ng mukha mo."

"Oo. Mamaya na tsaka nag-text na din ako kay Mums na magpapabili ako sa kaniya ng ointment. Nauna kasi akong nauwi sa kanya."

Nagkatinginan naman kami ni Xyriel nang makarinig kami ng magkakasunod-sunod na tunog na nagmumula sa cellphone ni Rhain.

"Ano 'yon Rhain?" Pagtatanong ko pa na parang maririnig din na sino 'yon? kay Rhain na ngayon ay naiinis nang kinuha ang cellphone at mabilis itong tiningnan.

"Alam ko na kung sino 'yan." Nakataas kilay na giit ni Pinsan. Halatang siguradong-sigurado.

"Yeah. Si Carl." Bored na giit ni Rhain sa amin at madaling inilagay sa gilid ang cellphone niya. "Palagi naman siyang ganyan e. Chat nang chat. Kahit sini-seen ko lang simula pa nung Huwebes."

"At natitiis mo naman?" Pagtatanong ko pa.

Nababahala ang pagmumukha ni Rhain na napatingin sa kamara. "Oo, natitiis pero gabii hindi, kaya ni-reply-an ko ng nikatiting na Geh., K. Balaka. Manigas muna siyang maghabol sa akin ngayon kasi nung ako 'yung todong naghabol sa kaniya...tipong chat nang chat ako e hindi nga din niya ako pinapansin."

"Oo nga. Pero 'yong point ko kasi---Alam niyo 'yun na kapag mahal mo tas mahal ka din, edi go na. Magbalikan na kayo." Pagpapaliwanag pa ni Xyriel.

Napakamot pa sa kaniyang kulot na buhok si Rhain. "Nah. Ayaw ko nun Xy. Gusto ko muna 'yung ganto. 'Yung pinaghirapan niya ulit akong makuha para maramdaman niya ang halaga ng pagkawala ko sa kaniya at para maramdaman ko rin na may halaga talaga ako sa kaniya. Sa totoo nga 'yan ay napakasaya ko kasi nagagawa niyang hindi sumuko kahit na sinusungitan ko siya palagi."

Hindi kami nagsalita ni Xyriel.

Napabuntong hininga naman si Rhain.

"Is this karupukan?"

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon