Cristina Apello's POV
Mabilis naman nagbago ang emosyon kong nakangisi at napalitan ito ng striktong mukha na nakatingin kay Vhaon na ngayon ay prente nang nakaupo dito sa sofa ng hideout nila.
Ang napapansin ko naman dito sa loob ay nawala na ang mga plastic ng chichirya sa lamesa na sumalubong sa akin nung unang punta ko dito sa lugar na ito. Pati ang mga kalat na nandito noon ay nawala na din, nalinisan na.
"Ano ba talagang kailangan mo at kung bakit dinala mo ako dito?" Nakataas kilay kong sambit sa kaniya.
"Hindi kita dinala. Kinaladkad." Pagtatama niya pa sa sinabi ko.
"Pambihira." Mahinang singhal ko.
"Baka pweding maupo ka muna sa sofa Tinay." Nakangiting pang-aaya ni Vhaon sa akin na umupo sa malaki nilang sofa.
At sino naman ako para sundin siya?
"Nagmamadali ako kaya sabihin mo na kung ano ang kailangan mo sa akin dahil aalis na ako. Kita mong pupunta pa kami nila Xyriel at Rhain sa canteen."
"Kaya nga!" Madali niyang pagsagot.
"Aba'y loko ka. May pa I swear I will never hurt her ka pa ngang nalalaman kanina." Mahinang litanya ko sa kaniya.
"Mukha ka talagang tae Vhaon." Dagdag kong bulong.
"Anong sabi mo?" Pagtatanong pa niya.
Inirapan ko lang siya at hindi na sumagot.
Lumipas ang ilang segundo at walang niisang nagsalita sa amin. Aba'y lintek itong tao na ito. Ano ba talaga kailangan nito sa akin? Hindi ba niya alam na pinakaba niya ang buong pagkatao ko. Baka mamaya niyan ay bigyan ako nito ng bomba. Patay talaga ako, pero wag naman. Nag-joke lang.
Magsasalita na sana ako nang inunahan na niya ako.
"Wew. May Facebook account ka na pala. In-add friend mo pa ako. Mamaya ko nalang e-confirm. Tss."
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kaniya.
"Loka. Anong pinagsasabi mo dyan? Hindi ako ang may gawa nun kundi si Rhain."
Nagulat pa ako ng tumawa siya ng malakas.
"HAHAHAHAHA. Ang Probinsyana may Facebook account na. Upgraded na siya. Iba din. Diba walang Facebook sa lugar mo? E ano namang feeling ngayong mayroon ka nang account? Na-ignorante ka ba? AHAHHAHAHAHA."
Kasabay ng pagtaas ko ng aking kanang kilay ay ang pagtaas ko rin ng aking kamay paharap sa pagmumukha niya.
"Ano naman sayo kung sasabihin kong hindi uso ang Facebook sa lugar namin? Ikasasaya na ba 'yan ng budhi mo? Atleast ngayon e mayroon na akong account kasi ginawan ako nina Xyriel at Rhain."
"Level up na ang nag-iisang Probinsyana lalaki. Pwedi na akong makikipagsabayan sa inyo." Dagdag kong tugon sa kaniya.
"Talaga lang. Baka mamaya nyan ay hindi mo alam kung ano ang pinagkaiba ng escalator at elevator HAHAHAHA." Tawang-tawa pa niyang giit.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...