Chapter 29: Happy Mall

257 16 2
                                    

Cristina Apello's POV

Matapos ang klase sa araw na ito ay mag-isa na naman akong naglalakad patungo sa parking lot. May kaniya-kaniyang ginagawa kasi ngayon sina Rhain at Xyriel kaya naiwan akong nag-iisa. Hindi naman ako nalungkot sapagkat masaya naman akong kasama ko lang ang sarili ko ngayon.

Kailangan mo din kasi paminsan-minsan na sanayin ang sarili mo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kasama kang ibang tao para pasayahin o pagaanin ang loob mo dahil may iba na agad nalang mawawala sa iyo at sa panahong mawala ang mga taong iyan sa buhay mo ay atleast nakahanda ka na. Na kahit mag-isa ka nalang kung sakali man ay masaya ka pa rin. May kasabihan nga na enjoy your own company first before others.

Habang tahimik na naglalakad ay nagulat nalang ako nang may bumato sa akin ng bato sa balikat.

"Psst." Pagtawag pa nito.

Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

"Psst." Ulit pa nito.

Nang dahil sa nakukulitan ako ay tiningnan ko ang taong nasa likod ng pagbato at pagtawag. Wala akong ibang nakitang nilalang kundi ang nag-iisang Vhaon Lopax na nakapamulsang naglalakad papunta sa gawi ko.

"Kamusta ang pag-iisa Tinay?" Pagtatanong pa niya sa akin. 

Tiningnan ko lang siya ng taimtim sa mata. Gustuhin kong magsalita pero napipi ako sandali. Sa isip-isip ko ay gusto ko siyang sigawan na layuan na niya sana ako at huwag na akong guluhin pa pero nandito siya ngayon sa harapan ko. Sumusulpot palagi ang loko.

"You're speechless. I guess it is because of my captivating beauty." Nakangisi niya pang tugon.

"Ew." Nandidiri ko pang sagot sa sinabi niya.

"Tss. Nga pala, wala ako dito para makipagtsismisan lang sayo. I'm here to let you know that you have to come with me because I have something to discuss." Tugon pa niya na itinaas na ang kamay sa ere.

Inirapan ko lang siya.

"Totoo na ito, Tinay. Walang paasa. May kailangan lang talaga ako sayo kaya sumama ka na." Diretso niyang litanya.

Akmang hahawakan na niya ang braso ko nang pigilan ko siya.

"Huwag mong hawakan ang braso ko at kakaladkarin na naman. Gusto mo ba ulit ng sapak ha?"

Napakunot noong napatingin sa akin si Vhaon.

"As much as possible, I don't want it to happen ever again. Hell! No way! Never. So just please accept my offer. Come with me today."

Nanliliit ang mga mata kong napatingin sa kaniya.

"Pwes! Ayaw ko. Samahan mo ang sarili mo mag-isa."

Inirapan ko pa siya ulit bago na tumalikod. Madali siyang napasunod sa akin kaya napalingon na naman ako.

"Samahan mo ako. May kailangan lang naman ak---" Hindi pa man siya natapos sa pagsasalita ay inunahan ko na siya.

"Ayaw ko! Ano bang mahirap intindihin sa sagot ko ha?!" Sigaw ko pa sa kaniya.

Napakurba naman ang magkabila niyang kilay. 

"Sino ka naman para mapagkatiwalaan ko para sumama sayo sa ibang lugar?! Napakabobo ko naman siguro para sumama sayo nun. Hindi ko nga alam na baka mamaya nyan ay may gagawin kang masama sa akin. Pinagloloko mo nga lang siguro ako!" Inis na asik ko sa kaniya.

"You're wrong---" Hindi ko na naman siya pinatapos.

"Hindi pa kita masyadong kilala at mas lalong hindi mo ako kilala talaga! Hindi dahil may marami kang naitulong sa akin ay masasabi mong sobrang close na tayo na pwedi mo na akong dalhin sa ibang lugar kung saan mo gusto sa kahit na anong oras. Kung gusto mo, edi e try mong yayain si dora, mukhang ganadong-ganado 'yong sasama sayo." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon