Cristina Apello's POV
Sa mahabang kakasunod ko kay Vhaon ay nandito na rin ako sa library (ako lang hindi "kami" ) kunwari wala akong kasama.
Dumiretso si Vhaon sa school librarian dito. Hindi ako sumunod kundi tiningnan ko lamang siya na nakikipag-usap sa School Librarian na may pangiti-ngiti pang nalalaman.
Akala naman niya na cute siya e mukha namang tae. Ooops.
"Morning."
Mahinang bati ng isang tao galing sa likod ko kung kaya ay napatingin agad ako sa kaniya.
"Ang aga natin ah." Dagdag pa niya, si Blaze.
"Morning din. Ako nga dapat magsabi sa'yo ng ang aga mo dito."
"Hmm."
Ngumiti siya saka tumingin sa di kalayuan. Ang gwapo niya talaga tingnan.
Kaya siguro ganoon nalang ka topakin ang pinsan ko. E sa gwapo ba naman nitong crushy niya 'kuno'.
"Napadaan lang naman ako dito. Ikaw ba, bakit ka nandito?" Blaze.
"Ah--- inutusan kasi akong ibalik dito ang mga libro. Kaso..."
"What? Is there any problem?"- pagtatanong niya sa akin.
"Wala. May nagpa-feeling hero lang." mahinang giit ko.
"Sino?"
Matipid akong ngumiti kay Blaze at hindi siya sinagot kasi papalapit na lumapit sa amin si Vhaon.
Pagkalapit niya ay dumiretso siya sa gilid ko. Magsasalita pa sana ako ng narinig kong nagsasalita si Vhaon.
"Sinamahan ko siya."
Napatingin ako sa ibang direksyon.
Ang feeling.
"Yas! At ikaw lang ang may gustong samahan ako." Pinandilatan ko ng tingin si Vhaon bago ko itinuon ang mga mata ko kay Blaze upang magpaalam sana para maka-alis na pero nagulat nalang ako sa biglaang ginawa ni Vhaon.
"Te---"
Hinawakan niya nang malakas ang kamay ko saka ako kinaladkad ng mahina. Nakita kong hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Blaze. Magsasalita na sana siya ng inunahan ko na siya.
"Kita nalang tayo sa room Blaze."- giit ko.
"Bye." dagdag ko pa.
Tuluyan na akong nakaladkad ni Vhaon hanggang dito sa labas ng library.
"Aray!"- pagrereklamo ko.
Tiningnan ko ng masama si Vhaon. Nagpupumiglas akong bitawan niya ang kamay ko pero hindi niya pa rin iyon binitawan.
"Ano ba 'tong ginagawa mo? Bitawan mo nga ako! Ang kapal mong mangaladkad ah. Kawalang modo!" pagsisigaw ko dito habang hawak hawak pa rin ni Vhaon ang kamay ko.
Narinig kong tumawa siya ng mahina.
"Saka nalang. Punta muna tayo sa- -"
"Ano ba!" umuusok ko nang sigaw.
"Sa Canteen lang naman." - diretso niyang sambit.
"Anong paki ko kung pupunta ka sa Canteen? Dahilan na ba 'yon upang kaladkarin mo 'yong tao?"
"Kung gusto mo, pumunta ka mag-isa." dagdag ko pa.
Kung galit ako nung una, ngayon ay galit na galit na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...