Henize Rezallia's POV
Nanggagalaiti akong nakatingin sa mukha ng babaeng pangit. That cheap girl named Cristina Apello or should I say the Crispy Pata.
"Gosh--tama ba itong nakikita ko ngayon gurl?" maarteng sabi ng kaibigan kong si Deira Tepre.
"And why naman na hindi tama ang nakikita mo? You're not blind. Duh." pambabara naman nang Fil-Am kong kaibigan na si Clouie Symt kay Deira.
"Silence please." Sita ko sa kanilang dalawa.
Lalo pa akong nagalit sapagkat pagpasok palang nila dito ay mas umingay ang tsismisan ng mga tao kung bakit magkasama silang dalawa. Tinitingnan ko lang si Crispy Pata na tumitingin sa ibang direksyon.
Maya-maya pa ay humarap si Vhaon sa kaniya at binigyan siya ng kape.
What the fudge.
"Whaaaaat?"
Sabay na reaksyon nina Deira at Clouie.
"Tahimik nga sabi e." Ako.
"You keep on saying silence e you didn't hear any single word of what they're talking about." Clouie na may paroll eyes pa.
"Bwesit." Sabi ko sa kanya saka lumayo ng konti sa kanilang dalawa ni Deira para mas kita ko ang nangyayari kay Vhaon at sa crispy pata.
Nag-uusap sila. Iyan ang nakikita ko. Nagulat nalang ako nang biglang kaladkarin ni Vhaon si Pata papalabas.
"I can't take this anymore." mga salitang lumabas galing sa bibig ko.
Kitang-kita ko mula dito na nagpupumiglas si Pata sa pagkakaladkad ni Vhaon sa kanya hanggang sa nakuha niya talaga ang braso niya na hinawakan ni Vhaon at unang naglalakad papalayo hanggang sa nawala na silang dalawa sa aking paningin.
Bakit sila magkasama? Bakit may pabigay pa na kape si Vhaon sa kaniya? Bakit siya hinawakan ni Vhaon sa--
"Why?!" malakas kong sigaw sa dalawa kong kaibigan.
"Hey Nize, are you okay?" - pagtatanong ni Deira. Nakita kong napatingin sa kaniya si Clouie.
"Do I look like I'm fine Dei ha? Tell me."
"Hindi."
"Hindi naman pala kaya wag mo akong matanong-tanong na okay lang ba ako--kasi hindi. Kita mo naman 'yong nangyari diba ha?"
Napatango nang wala sa oras si Deira.
Gosh. Dumagdag ka pa.
"Just act cool okay?"- giit ni Clouie sa akin.
Wagas nga kayo maka-react kanina na magkasama silang dalawa tapos cool lang?
"Well I'm not cool. I'm hot." Diretsong pagsagot ko sa kanya.
Napangiwi ako.
"I just can't accept what I saw minutes ago. That cheap girl is with 'my' Vhaon." Dagdag ko.
"My? Really? C'mmon gurl-- let's face it. You're not his girlfriend."- Masama akong napatingin kay Clouie.
"Oo nga Nize. Wala namang kayo ni Vhaon diba?"- pagsang-ayon pa ni Deira.
"Diba wala?" ulit pa niya.
"Shut up!"- sigaw ko sa kanilang dalawa.
"Right. Wala talagang kayo."
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Novela JuvenilSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...