Chapter 24: Relieved

332 15 3
                                    

Vhaon Lopax's POV

Kasalukuyan akong nagda-drive ng motor ko papauwi. Hindi ko maiwasang mapangisi sa mga iniisip ko. Another progress na naman. Masasabi kong ginagawa ko talaga ang dapat kong gawin ayon sa ipinapagawa sa akin ng tatlong ugok kong mga kaibigan. Lahat ng sinabi nila Axe, Tyler, at Carl ay nagsi-sink in sa aking utak at nauunawaan ko na ng todo.

Parang 'yong ginagawa ko lang sa mga babae kapag nabo-bored ako. It is so simple. Akala ko kasi nung una na ang hirap ng sinasabing gagawin kong revenge kuno pero sobrang madali lang pala. 

"Just be a good one." - ani ni Carl sa akin habang mahinang tinatapik ang likod ko.

" 'Yung handsome with a heart ang peg mo bro." dagdag pa niya.

"BWHAHAHAHAHAHA Tama si Carl. Magbait-baitan ka lang sa harapan niya Vhaon. 'Yung parang hero ka 'kuno' tsk tsk. Pustahan tayo bibigay rin nyan."- Napatingin ako kay Tyler habang pangiti-ngiti na nagsasalita.

May maibibigay naman pala itong matino sa akin.

"And don't forget the number one rule bro. Si-nearch pa namin ito sa google. You must be sweet. Look and act sweet always. Like of course, makukuha mo talaga siya sa mga sweet da-moves mo. Just enjoy this bro." napailing nalang ako sa sinabi ni Axe.

"But!"- napalingon naman ako sa malakas na pagsigaw ni Tyler. Ganoon din ang dalawa, sina Carl at Axe.

"But remember Vhaon, this is just for the sake of your revenge. Walang totohanan ha! Baka mamaya niyan e na London bridge is falling down ka na pala BWHAHAHAHAHAHHAHA."

Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Alam ko kung ano ang ipinahiwatig niya pero ako?

Hell! No way. Never.

"Walang babaeng hindi mai-inlove sa lalaking super kind, ika pa nila." Carl na taimtim na nakatingin sa akin.

Nagpakawala nalang ako ng malalakas na buntong hininga.

This is for my revenge and so I have to work for this really hard.

"Cheers!"- ani nalang naming apat sa isa't isa.

Makapaghiganti na rin ako sa'yo, Cristina.

Pangiti-ngiti ako habang nagpa-park ng motor ko dito sa garahe ng mansyon namin saka na ako pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang payapang paligid ng mansyon dahil hindi ko nakita ngayon ang pagmumukha ng ina-inahan kong si Caye. Mabuti naman.

"Vhaon, iho nandito ka na pala." Napalingon ako sa pinanggalingan ng sobrang pamilyar na boses at nakita ko si Nanay Ester.

Mas lumawak pa ang mga ngiti ko sa mukha. Lumapit ako sa kaniya at madaling nagmano.

"Nay Ester, nandito na po kayo."

Si Nanay Ester ang isa sa aming katulong dito sa mansyon pero siya rin ang pinaka-close ko. Bukod kasi sa mabait siya ay matagal na rin siyang naninilbihan sa amin. Mula pa nung bata pa ako nung buhay pa si Mama. Kaya siya ang pinakamatagal na katulong dito pero kahit ganoon pa man ay hindi ko siya tinuring na isang katulong lang, kundi ina na, kaya ang tawag ko sa kaniya ay Nanay Ester.

Mga kalokohan ko sa buhay ay alam niya. Hindi nga lang lahat pero gumagaan ang loob ko kapag sinasabihan ko siya ng aking mga problema.

"Sabi ko naman sa iyo na babalik ako." Madali niya akong niyakap pagkatapos sabihin iyon.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon