Chapter 3: Goodbye

668 42 32
                                    

Cristina Apello's POV

Madaling napangiti sa gawi ko si Tita Sandra nang dahil sa naguguluhan kong bungad sa kaniya.

Tiningnan ko pa si Mama ng 'anong-ginagawa-ni-Tita-Sandra-dito-Ma-look'.

"Nandito ang Tita Sandra mo anak, dahil ipapadala na kita sa lungsod. Doon ka na mag-aaral. Napagdesisyunan kasi namin ng Papa mo na mas mabuti kung sa lungsod ka na mag-aaral ngayong papalapit na ang pasukan dahil mas nakaka-angat ang edukasyon doon kaysa dito."- napantig ang dalawang tenga ko mula sa narinig kay Mama.

Sa lungsod?

Maayos lang naman sa akin na doon ako mag-aaral kaso paano na ang mga taong minamahal ko dito, sila ay maiiwan.

"Ayos lang naman sa akin Mama, pero paano ka, sinong---" - magsasalita pa sana ako nang inunahan na ako ni Mama.

"Maayos lang ako dito anak. Wag kang mag-alala. Marami namang nandyan, si Tita Carmen mo, si Marco, mga kapitbahay natin. Okay lang ako." - Pagpapaliwanag pa ni Mama na nagpalungkot sa mukha ko.

"Bakit hindi mo sinabi ito nang mas maaga sa akin Ma?" Madali kong pagtatanong.

"Plano kong sabihin ito sa'yo kanina Cristina. Nakalimutan ko sapagkat may napag-usapan kaming mahalaga ng Tita Carmen mo."

Natahimik ako sandali.

"Ano na Cristina?"- agarang tanong ni Tita Sandra sa akin.

"Gu-gustuhin mo bang sa Lungsod na mag-aral? Nandoon si Xyriel, ang pinsan mo."

Napangiti ako sa narinig.

Oo naman Tita, nandoon talaga si Xyriel e anak mo siya at natural doon iyon nakatira sa mismong bahay mo.

"Pupunta siya Ate."- Mabilis na pagsagot ni mama na seryosong nakatingin kay Tita.

"Mag-impake ka na ng mga gamit mo sa taas anak." dagdag pa ni Mama na nagpatingin sa akin sa ibang direksyon.

Wala na akong ibang nagawa pa kundi sundin si Mama. Kaya heto ako ngayon, nag-iimpake na.

Hindi ko alam pero maayos lang naman ang pag-aaral ko dito. Bakit kailangan ko pang sa lungsod mag-aral?

Tutal Grade 10 student pa naman ako sa susunod na pasukan at may dalawang taon pa bago ako mag-kolehiyo.

"Tapos ka na ba dyan anak?"- Narinig kong giit ni Mama mula sa baba.

Tapos na din naman akong magbihis kaya madali ko nang ni-lock ang zipper ng pinaglagyan ko ng aking mga gamit. Napabuntong-hininga naman ako.

"Andyan na."

Tiningnan ko ang maliit na orasan na nandito. 12:26 PM na pala. Kaya pala medyo kumalam ang sikmura ko.

Pagkatapos ay dinala ko na ang mga gamit ko pababa.

"Ate kumain muna kayo bago kayo bumyahe. Ikaw Cristina, anak kumain ka muna." mahinahong sambit ni Mama pagbaba ko. Kung kanina ay naka-upo si Tita Sandra, ngayon ay nakatayo na siya.

"Salamat pero busog pa ako Linda. How about you Cristina? Maybe you want to eat before tayo bumyahe." ani ni Tita.

Sa halip na sumagot ako ng 'oo, kakain pa muna ako kasi gutom ako' ay wala nalang dahil nakakahiya naman kay Tita Sandra na paghihintayin ko pa siya.

May maraming pagkain naman siguro doon sa kanila. Doon nalang ako kakain.

---

"Mag-ingat ka doon anak." - huling saad ni Mama bago ako pumasok dito sa kotse ni Tita Sandra sa likod kung saan ay pinagbuksan pa talaga ako ng driver ni Tita.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon