Rhain Weza's POV
Lumipas ang ilang mga araw at Huwebes na ngayon. Naglalakad akong mag-isa dito sa malaking hallway ng school dahil pupuntahan ko sina Xyriel at Cristina na nasa garden na alam kong kakatapos lang nilang mag-lunch.
Bibili sana ako doon sa canteen kanina kaso may isang tukmoy na sumalubong sa akin sa pintuan ng canteen kaya nabwiset ako at hindi tumuloy sa pagbili ng pagkain.
"Rhainy..." Narinig kong may tumawag ng pangalan ko galing sa likod.
Ibig sabihin ay sinusundan niya pa rin ako? Walang modo. Bakit nga ba ako manghinala kung sino itong taong tumawag sa akin e alam ko na kung sino siya. Tawag palang niya sa akin ay naiiba na.
"Rhainy please." Pangungulit pa niya sa akin.
Hindi ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.
"Pag-usapan na natin 'to. Ayusin na natin please."
Nang dahil sa sinabi niya ay napagting ang dalawa kong tenga at mabilis siyang nilingon na may nanlilisik na tingin.
"Absolutely, no. Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Our relationship was done already. Matagal ng tapos. Matagal ng patay. Kaya 'wag ka nang manggulo pa." Sumbat ko pa sa kaniya.
Nakita ko ang panlulumo sa kaniyang mga mata. Nagmamakaawa ang mukha niya bago siya ulit nagsalita.
"Gusto naman natin itong dalawa diba? Na itigil muna natin pansamantala ang relasyon natin for two months and then after that...our relationship will be back again. The both of us agreed about this...we wanted to take a break. And so I'm here Rhainy. I'm back."
Napabuga ako ng hangin sa litanya niya.
"Ngayon lang?" Pagtatanong ko pa sa lalaking kaharap ko ngayon. He was about to hold my hand but I immediately throw it away.
"Yes. Kaya nga nagbalik ako---" I didn't let him explain further.
"That's a fucking nonsense explanation Carl!" I shouted him.
Oo si Carl Holton ang lalaking kaharap ko ngayon. Ang isa sa mga kilalang tao dito sa paaralan at isa sa mga kaibigan ni Vhaon. May nakaraan nga kami.
Napatingin ako sa paligid. Mabuti nalang at walang masyadong estudyanteng dumadaan dito ngayon sa hallway dahil lunch time at kumakain pa siguro.
I looked directly at his dark brown eyes that makes my heart beats so fast every time when our eyes met.
"Yes we decided to take a break for two months. For two months Carl! Remember? And after those two months I did what I had to do as your girlfriend pero ikaw itong hindi tumupad sa usapan. Matapos ang dalawang buwan ay tinatawagan kita halos araw-araw, nag-ti-text ako sayo, nagbibigay ng sulat, china-chat sa facebook kada oras pero hindi mo man lang ako pinapansin. 'Yun ang masakit. Ngayon ay tatlong buwan na ang lumipas at sasabihin mong babalik ka na ulit? Ngayon ka lang bumalik Carl... ngayon lang."
Napatigil ako at napapikit ng naramdamang may tumulong isang butil ng luha galing sa kanan kong mata.
"Kaya nga balikan na natin..."
"E ano pa nga ba ang babalikan mo? Wala na nga ang relasyon natin. Matagal ng tapos dahil pinatay mo na." Mariin kong tugon sa kaniya.
"No, Rhainy. Aayusin ko. I'm sorry. You know what... I loved you truly. I never faked it. Hayaan mong sabihin ko sayo ang totoo. Kung ano ang rason ko. I'll explain." Seryosong nakatingin sa ibang direksyon niyang giit matapos niya rin akong tinitigan sa mata.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...