Cristina Apello's POV
Mahigit limang araw na ang lumipas mula nung nangyari ang unexpected kiss namin ni Blaze at umabot ang balitang ito sa buong Campus dahil sigurado akong pinakalat ni Henize at ng mga alipores niya. Hindi ko nalang din pinapansin ang mga bulong-bulungan at hinayaan ko nalang ito kahit hindi talaga nila alam ang totoong nangyari.
Limang araw na rin ang nakaraan na hindi ako kinausap ni Xyriel at talagang iniiwasan niya ako na kung saan ay nasali pa si Rhain. Pagdating naman sa mansyon ay ganoon pa rin, iniiwasan niya ako't hindi kami nag-uusap. Isang gabi pa ay napag-isipan kong makipag-usap kay Tita Sandra patungkol kay Xyriel dahil gusto kong mag-sorry dahil ako talaga ang may sala kung bakit nagkakaganoon si Xyriel ngayon pero maski ako ay nagulat dahil ang madaling sinabi sa akin ni Tita ay hayaan nalang si Xyriel dahil minsan ay nagkakaganyan talaga siya't hindi nalang namamansin. Gusto ko pa sanang umapela na ako talaga ang may sala pero naiwan akong napabuntong hininga nalang.
Kung kaya sa Campus naman ay hindi na siya sumasama sa amin ni Rhain at doon na siya nakikipag-usap at nakikisama sa kampo ni Henize kung kaya ay sinisisi ko ang sarili ko.
At ang patungkol naman kay Blaze ay maayos naman kami. Ganoon pa rin siya at hindi alam na may gusto si Xyriel sa kaniya. Ganoon siya ka manhid na akala niya ay may hindi napagkaunawaan lang kami ni pinsan kaya sinasabi niya lang na magiging maayos rin kami. At ang oplan tanggal nararamdaman ko sa kaniya ay isinaalang-alang ko pa rin.
"Ano na ang mangyayari?" Pagtatanong pa sa akin ni Rhain ngayon dito sa Canteen dahil lunch time na namin.
Tinitingnan ko ang kamay niya na inaalisan ng plastics ang pagkain niya. Hindi namin kasama si Carl at Blaze dahil parehas itong may ginagawa. Busy para sa darating na school basketball tournament sina Carl at nag-aasikaso naman si Blaze sa mga pinag-uutos sa kaniya ng adviser namin dahil examination na simula bukas tas distribution ng cards na nextweek.
"Hoy!" Pagtatawag pa ulit ni Rhain sa atensyon ko.
"Xyriel..." Mabilis kong naibigkas kay Rhain.
"Huwag mo nang isipin si Xyriel, Tina. Magkakaayos lang din kayo. Okay?" Pagpapaliwanag pa ni Rhain.
Alam ni Rhain ang totoong nangyari na unexpected kiss lang 'yon dahil sinabihan ko siya at naniniwala naman siya sa akin at hindi sa mga balitang pinakalat sa Campus. Halatang kinikilig pa nga siya nung kinwentuhan ko siya pero pinabayaan ko nalang.
"Si Xyriel..." Pag-uulit ko pa.
Nakakunot noong napatingin naman siya sa akin.
Nakikita ko kasi mula sa di kalayuan ngayon na naglalakad papunta sa pwesto namin si Xyriel. Napakamot ako sa noo ko sabay sinenyasan si Rhain na tumingin sa likod siya. Madali naman siyang sumunod at nang makita na niya ang ibig kong ipahiwatid ay matipid siyang napangiti sa akin.
Napatingin nalang ako kay Xyriel ngayon na walang emosyong inilapag ang tray na dala niya sa lamesa namin at umupo sa katabing upuan ni Rhain.
"Hi Xy." Nakangiting bungad sa kaniya ni Rhain.
"Hi." Bati ko kay pinsan at tinapunan niya lang ako ng walang emosyong tingin. Kasalanan ko din naman kaya kailangan kong tanggapin na ito ang nangyari.
Ginalaw ko naman ang mga pagkain ko at namayani sa aming tatlo ang katahimikan.
"Xyriel, sorry." Mahinahon kong tugon sa pinsan ko. Wala siyang reaksyon at nagsimula ng kumain.
Sinenyasan pa ako ni Rhain na tumigil nalang pero hindi ko lang siya pinansin.
"Xy, unexpected kiss lang naman talaga ang nangyari last Friday. Hindi ko intensyon at mas lalong hindi intensyon ni Blaze na halikan ako." Nagbuntong hininga ako dahil sa pag-iwas niya ng tingin. Pero nagmatigas ako at nagpatuloy pa rin.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...