Epilogue

389 12 5
                                    


Vhaon Lopax's POV

"Cristina was kidnapped Vhaon." Tita Sandra added when I remained silent for exactly one and a half minute.

Nababahala akong napakamot sa aking batok. Hindi ko alam kung anong perpektong salita ang dapat ibanggit kay Tita Sandra ngayong naghe-hesterikal na siya sa kabilang linya.

"Vhaon, it's Cristina's birthday today at hindi ko lubos akalaing may mangyayaring masama sa kaniya. Nasa kalagitnaan lang kami ng pagtatawanan nang nagpaalam siya sa amin na lumabas sandali dahil magpapahangin lang daw siya pero 'yon nalang ang pagkagulat naming lahat nang sumigaw si Nanay Taling na may dalawang nagtataasang mga kalalakihan ang pilit na kinukuha si Cristina papalabas ng gate. Wala kaming nagawa kundi ang magsisigaw nalang. Pilit pa sanang umatake nila Mang Benny at Lito pero natigilan din dahil baka may dalang mga armas ang mga tarantadong lalaking iyon..." Natigilan pa si Tita Sandra sabay nagbuntong-hininga.

"Dyoskomariosep! Ano nalang ang sasabihin ko kila Linda at Michael nitong na-kidnap si Cristina. Hindi pa naman sila nakauwi dito sa mansyon ngayong araw dahil may inaasikaso pa sa probinsya pero sinasabing baka bukas ay makakapunta rin sila dito sa lungsod bilang bawi sa kaarawan ngayon ng anak nila. Naku! ano nang gagawin..." Dagdag na pagkabahalang ani pa niya.

"Pwede bang huminahon ka muna Mums?" Narinig kong sita ni Xyriel sa Mama niya mula sa kabilang linya.

"Anong huminahon Xy?! Na-kidnap ang pinsan mo! Na-kidnap! Bakit ba gustong kidnapin ng mga gagong lalaking iyon si Cristina?! Tanga ba sila? Kung nangangailangan sila ng pera ngayon ay kaya ko namang maibigay sa kanila ng mabilis iyon."

"Tita Sandra..." Nagi-guilty kong pagbanggit kay Tita habang ipinipilit kong ipikit ang aking mga mata.

"Oh?! Hello? Teka nga---Vhaon? Bakit nga ba ikaw pa ang tinawagan ko? Kailangan ko na itong ipaalam sa mga pulis ngayon din!" Malakas na anunsyo ni Tita na nagpakaba pa sa akin ng todo.

"Tita, no! You don't have to." Mabilis ko pang pagsagot.

"Seriously?! Why not?!" Nagagalit niyang asik sa kabilang linya.

Madali akong napabuga ng hangin sa harapan habang ang mga mata ko ay nakatingin lamang sa baba at pilit na nilalabanan ang nararamdamang pagka-guilty.

"Really...you don't have to alarm the cops. It's my fault! No---I mean, ako ang dahilan kung bakit tinangay si Cristina ngayon. I was the only one who ordered those men to get her. It was because of me." Pag-amin ko pa.

Ako nga ang nag-utos na kidnapin si Cristina.

"Whaaat?" Hindi makapaniwalang ani pa ni Tita Sandra.

"Kung kaya'y kailangan mo nang huminahon ngayon din Tita. Inutusan ko lang naman ang mga katiwala ko because I've got something for Cristina tonight, sort of my birthday surprise for her. You don't have to worry though, she's fine."

"You've got to be kidding me Vhaon!"

"It's true Tita. She's safe and I assure you, nothing bad will happen to her." Makabuluhan ko pang banggit at tuluyan namang nawala ang nararamdaman kong kaba na para bang nakahinga na ako ng maluwag dahil nasabi ko na ang totoo.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon