Chapter 6: Dream

566 41 11
                                    

Cristina Apello's POV

"Mana ka talaga sa akin pinsan."- nasisiyahang saad ni Xyriel sa akin na ibinandera pa ang dalawang kamay na may hawak-hawak na kutsara at tinidor na akala mo ay nanonood ng boxing.

Naman HAHAHAHA.

Dumating na kami dito sa mansyon nila kanina lang.

Sino ba ang hindi mawawalan ng gana kung ganoon ka pangit na pangyayari ang sasalubong? Hindi lang basta pangit pero siguro ay pinakapangit na pangyayari na sumalubong sa akin dito sa lungsod. Oo, nga't nakapunta na ako dito sa lungsod noon---unang beses, pero nandito lamang kami ni Mama sa bahay nila Xyriel at ninuman ay hindi ko naranasang gumala sa mga lugar dito. Unang beses palang 'yon kanina.

Malay ko din bang iilan sa mga tao dito ay ang pangit ng pag-uugali.

"I'm super proud of you. Laban lang talaga! Kung siguro nakita ko ang buong pangyayari, naku... sasali talaga ako sa rambulan ninyo. Joke! "- pagpatuloy pa ni Xyriel na ngumingiti-ngiti't inaalala ang nangyari kanina.

Dumating lang naman siya nung natapos ko nang batuhin ng dalawang saplot ng paa ko ang dalawang walang trip sa buhay kundi kunin ang lamesa namin na alam naman nilang dalawa na may nagmamay-ari na.

Parang pag-ibig, sinabing may nagmamay-ari na, aahasin pa.

"Lalaban talaga ako kapag alam ko sa sarili ko na ako ang tama Xyriel. Pero kung talagang punong-puno na ako, asahan nilang lalabas ang Cristina na hindi nila kilala." seryosong giit ko na nagpatigil sa ginagawa ng pinsan kong kumakain ng hot and spicy pansit bilang dinner na niya.

Alas singko na rin kasi. Kung sabagay nagugutom kami ng sobra (o ako lang ba?) dahil hindi namin nakain doon ang in-order ni Xyriel kaya itinake-out nalang pero nakakawala na ng ganang kainin ang ibinili niyang mga iyon sa shop.

"Wow, parang pang introduction sa pageant ang peg mo. Bet ko yan!"

Napailing nalang ako sa sinabi ni Xyriel saka kinuha ang plato at kutsara at nilagyan ito ng pansit, crispy chicken wings, at kanin.

"Dinner na Cristina, mag-pansit ka nalang at huwag na mag-kanin. Ang harsh mo naman. Segi ka, tataba ka nyan."

Kung alam mo lang Xyriel kung gaano ako gutom na gutom mula pa kaninang tanghali. Letche e, akala ko makakakain na ako sa Shop. Kaya pala dapat talagang kumain para hindi lumabas ang ala-demonyita style. 'Yan tuloy nakatikim sa akin ang dalawa.

"Pinsan hindi ko kayang kumain ng pansit lang. Dapat palaging may kanin sa umaga, tanghali, at gabi."

"Oh?"

Napa-face palm nalang si Xyriel nang dahil sa sinabi ko. Kaya ngayon ay tahimik na kaming kumakain.

Wala pa kasi si Tita Sandra. Sinabi ni Xyriel sa akin na nag-text daw sa kaniya si Tita na madali lang pumunta sa boutique nila.

Boutique ang pinagkakaabalahan ni Tita Sandra kaya siguro ang gaganda ng mga isinusuot ni pinsan. Samantalang si Tito nasa ibang bansa. Ano pa nga ba, edi puno ang schedule nang dahil sa business.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso ako sa hugasanan upang maghugas sana ng pinagkainan kaso pinigilan ako ni Xyriel dahil may gagawa na daw sa gawaing iyon, ang mga katulong nila, kaya hinalungkat niya ako dito ngayon sa sala.

"Insan excited ka na ba maging grade 10 student? Ohghad aym shoo exchoited!"

"Hindi naman masyado. "- pagsagot ko sa tanong niya. Naalala ko sila Mama at Cocoy.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon