Vhaon Lopax's POV
Matapos ang nangyari sa Parking Lot ay dalawang araw nang hindi nawawala sa isip ko ang ideya kung paano ba ulit komprontahin si Cristina. Lalo na't papalapit na ang Sabado, ang Junior's Ball namin. Kahit na sinasabing ayaw niyang pumunta ay determinado akong mapapabago ko ang desisyon niya pero hindi ko din maiwasang hindi malungkot sa naiisip ko na baka hindi na talaga ako kakausapin pa ulit ni Cristina. Pero tiwala lang Vhaon, kailangan mong maniwala.
Kakatapos lang ng lahat ng morning subjects namin ngayon at ang kasunod ay pananghalian. Napatingin ako sa gawi ni Cristina na abala pa sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.
"Carl, I wanted to talk to Cristina so badly right now." Bulong ko kay Carl na nasa gilid ko na at nakahanda ng lumabas.
"Ohh..." Tumatango-tango niyang giit sabay sinenyasan sila Axe at Tyler sa kahilingan ko.
Napalunok nalang akong napatingin sa paligid ng silid namin at nakikitang ang natitira na lamang ay kaming magkakaibigan at si Xyriel na pilit na nakikipag-usap kila Rhain at Blaze sa gilid ni Cristina na hindi pa rin tapos sa pagsasauli ng mga gamit niya sa bag. May tatlong kaklase pa kaming natira pero maya-maya pa'y lumabas na din sila.
"Hoy!" Pagtawag atensyon ni Carl kay Rhain kaya nakataas kilay itong tumingin sa gawi namin.
"Anong kailangan mo Carlito?" Nakakunot noong banggit pa ni Rhain.
Isinenyas lang ni Carl ang nais niyang sabihin at tinutulungan pa talaga siya nila Tyler at Axe. Pwede namang lumapit nalang sila kay Rhain at sabihin nalang iyon ng diretso, mas mabilis pa 'yon. Mga gunggong talaga. Nang makuha na ni Rhain ang ibig ipahiwatid ng mga loko kong kaibigan ay mabilis niyang binulungan sila Xyriel at Blaze na hindi pa makapaniwala sa una pero napabuntong-hininga nalang rin sa huli.
"Deh. Segi, dali na!" Pumapalakpak na ani ni Tyler saka naunang lumabas ng silid. Mabilis na nag-uunahan naman sa pagsunod sa kaniya ang mga barkada namin.
"Bilis." Sita pa ni Axe kila Xyriel at Blaze.
Nang napatingin na ako sa hulihang pintuan ay mabilis na nila itong sinarado. Pwera nalang sa unang pintuan na hindi binuksan simula pa kaninang umaga. Nagkakamot naman ako ng buhok nang maunawaan ko na naiwan kaming dalawa ni Cristina dito sa silid. Nang prenteng natapos na siya sa kaniyang pag-aayos ay walang linguan siyang dumiretso sa pintuan.
"Buksan niyo nga ito! Peste." Bulyaw pa niya kila Tyler na nasa likod parin ng pintuan at nakahawak sa door handle.
"Ano ba, buksan niyo nga!" Dagdag pa ni Cristina pero hindi parin nakinig ang mga barkada namin.
"Mag-antay ka muna ng isang oras Tina saka namin ito bubuksan. Hihi." Pang-aasar pa ni Axe.
Nagmamaktol naman na napalingon sa gawi ko si Cristina pero napatingin din sa malayo pagkatapos. Mabilis pa akong napatayo at dumiretso sa kalapit na armchair na malapit lang din sa pintuan. Inikot ko pa ito para iharap sa nakatayong si Cristina ngayon sa gilid.
"Pakana mo ito, ano?" Naiinis niyang tanong sa akin.
Hindi ako umimik at napalunok nalang ng laway. Sumaya naman ang loob ko dahil ibig sabihin ay makakausap ko ngayon si Cristina. This is your opportunity Vhaon.
"Kung sa bagay, atat ka naman talagang makipag-usap sa akin." Dagdag pa niya.
Napayuko ako. Namayani pa ang ilang segundong katahimikan sa amin bago ako ulit nag-angat ng tingin.
"Cristina, sorry." I said with full sincerity in my own voice.
"Nasaktan kita ng sobra. Naiiwan akong manghihingi ng tawad sa'yo ngayon even if my sorry wouldn't change the fact that I hurt you so damn much. I'm such a shitty person for doing that. I'm an asshole, I think that word suits me well. But if I'd given a chance to change what happened in the past, honestly, I would grab that once in a lifetime opportunity. Sad to say, we can't undo it. They're truly right Tinay, you have to think rationally today before deciding because you might regret it later. And I'm regretting what I've done to you. Sorry..." Dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...