Chapter 20: Unknown Number

344 26 4
                                    

Cristina Apello's POV

Mabilis na lumipas ang araw at Biyernes na ngayon. Pagpatak ng alas sais ay nagising na ako at madaling naligo't nagbihis.

Sino ba naman ang hindi ma-excited sa araw na biyernes e bukas weekend na?

"7:28."- sambit ko saka ko kinuha ang bag ko at pumanhik na papunta sa sala para hintayin si Xyriel.

"Tita si Xyriel po?"- giit ko nang makita ko si Tita papunta sa direksyon ko.

"Cristina, hindi na muna siya papasok. Ang init niya. Pakibigay nalang itong excuse letter niya. Kumain ka muna saka ka magpahatid kay Mang Benny." - Tumango nalang ako.

"Segi Tita." malungkot na kinuha ko ang binigay niyang sulat.

Sana maging maayos lang si pinsan.

Dumiretso ako sa kusina at nagsimula ng kumain. Ako lang mag-isa ngayon ang papunta sa eskwela.

Nakakapanibago.

Matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kay Tita Sandra na nagbibihis para puntahan ang Boutique niya. Marami namang katulong ang nag-aasikaso kay Xyriel.

Dumiretso't sumakay na ako sa kotse nila Tita Sandra at nagpahatid na kay Kuya Bens.

"Tina may tanong nga ako sayo."- napatingin naman agad ako kay Kuya Bens sa sinabi niya.

"Ano iyon Kuya Bens?"

"Anong gatas ang paborito ng mga uso?"

Anudaw?

"Huh? Meron ba? Sa pagkakatanda ko wala namang paboritong gatas ang mga uso. Luh. Grabe ka talaga kuya Bens."- tugon ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya sa sinagot ko. Halatang nadismaya siya.

"May sinabi ba akong mali?" dagdag ko pa.

"Wala ka talaga sa katinuan kang bata ka. At dahil sa good mood ako ngayon, ako nalang sasagot sa sarili kong tanong."

Napataas pa muna ang kilay ni Kuya na nakikita ko ngayon sa salamin na nakalagay sa harapan.

"Anong gatas ang paborito ng mga uso? Ano pa ba? Edi BEAR BRAND." malaking giit niya pa.

Literal akong natigilan sa sinabi niya. Nag joke pala siya. Kaya pala--- Ngayon gets ko na. May pa tanong tanong pa e' joke lang naman pala. At dahil sa hindi ko na nakayanan ay tumawa na ako ng malakas.

"AHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA"- tawang tawa ko dito sa loob ng kotse.

"Bibig mong bata ka. Hina mo pala sa 'analeyseytyun '. Sus. O 'sya nandito na pala tayo. Humayo ka na dyan."

Nagpipigil nalang ako ng tawa at kalaunan ay tumahimik na. Ang ganda ng joke grabe. Natawa ako ng sobra pa sa sobra.

"Anubayan Kuya Bens, bentang-benta ako sa joke mo ngayon. Hayaan mo at bigyan mo ako ulit ng joke. Marami pa! Segi paalam na Kuya Bens. Ingat ka."

Nang dumating at pumasok na ako sa Wenzus High ay ganoon pa rin makatingin sa akin ang mga estudyante. Para bang nakakakita sila ng multo sa umaga. Pero kahit ganoon ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Tas ang ganda ko naman para maging isang multo.

Good mood din ako ngayon dahil kay Kuya Bens.

"Good morning Tinay."

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon