Cristina Apello's POV
Alas dose na ng gabi nang matapos kami sa pagsasayaw bago napagdesisyunan nila Axe at Tyler na umuwi na kaya sumunod nalang din sila Rhain, Carl, at Blaze.
"Ingat Blaze!" Sigaw ko pa kay Blaze na kakahiwalay palang kay Xyriel mula sa pagkakayakap. Nahuli siya ngayon dahil matagal kasing dumating ang sundo niya.
"Good bye bro." Ani din ni Vhaon sa kaniya.
"Bye! We don't have a class tomorrow so see you on Wednesday! " Paalam pa niya sa aming tatlo saka na pinaulanan ng sunod-sunod na flying kiss si Xyriel at pumasok na sa loob ng kotse na may nag-aantay ng drayber.
Mabilis na pinagalaw ng drayber ang kotse at kumaway pa ulit si Blaze sa amin mula sa bintana saka na humarurot papalayo ang kotse.
"Ikaw? Wala ka bang planong umuwi sa mansyon niyo?" Nakataas kilay na pagtatanong ko pa sa lalaking nasa tabi ko.
"No. Gusto ko pa kasing makasama ang Cristina Ko. Besides, ayos lang naman na manatili ako dito diba Xy?" Pagtatanong pa ni Vhaon kay Xyriel na ngumiti lang ng matipid saka tumango.
"And please, no to Public Display of Affection as of this moment it may be outside or inside of our house. Umalis na ang lovey ko. Maawa kayong dalawa." Nakaturo pa sa aming dalawa ni Vhaon na banggit ni Xyriel.
"I can't follow that one rule of yours Xyriel." Reklamo pa ni Vhaon.
Pinatid ko naman siya sa tuhod saka sinimangutan.
Madali namang napahawak sa kaniyang beywang si Xyriel.
"And why not Mister Lopax? That simple order came from the owner of this mansion so you better follow because that's the least thing you can do."
"For pete's sake! Hindi naman ikaw ang may-ari ng mansyon na ito kundi ang mga magulang mo." Pag-angal din ni Vhaon.
"Imposible! How could you---" Hindi natapos ni Xyriel ang sasabihin niya dahil itinaas ko na ang aking kamay sa harapan nilang dalawa.
"Pumasok nalang kaya tayo sa loob ano?" Ani ko pa at mabilis naman akong inakbayan ni Vhaon.
Napasimangot lang si Xyriel na napatingin sa aming dalawa ni Vhaon.
"I warn you. Wala ng mas hihigit pa sa akbay." Seryosong banta pa niya sa amin saka naunang pumasok.
Nagkatinginan pa muna kami ni Vhaon sa isa't-isa saka nagkibit-balikat bago na pumasok at mabilis na ni-lock ang gate.
Ngayon ay nakatulala kaming nagkatitigan ni Vhaon habang nakaupo dito sa sala ng mansyon nila Xyriel. Kakatapos lang namin magbihis at oo nga, nakapag-bihis na din si Vhaon dahil may dala naman siyang isang white T-shirt at shorts sa kotse ng Papa niya na ginamit niya para pumarito sa mansyon.
"Really, Xy? Is this a punishment?" Nakakunot noong pagtatanong ni Vhaon dahil inutusan nga kami ni Xyriel na hindi magpakita ng nianong P-D-A ngayon sa harapan niya.
Natatawa lamang akong napatitig sa naiinip na mukha ni Vhaon.
"That's more than a punishment Vhaony Boy." Nakangising hamon din ni Xyriel habang kumakain ng ice cream. Inalok pa nga niya kaming dalawa pero busog talaga kami.
"Whether you'll like it or not, I will hold Cristina's hand." Mariing tugon ni Vhaon sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.
"Para kayong mga timang dalawa." Nakangising ani ko rin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...