Cristina Apello's POV
"Thank you." mahinang saad ko kay Vhaon nang makatayo ako nang maayos.
Tumango lamang siya sa akin.
Napayuko naman ako nang tingnan niya ako sa mukha.
"Your cheeks are red." Tutok pa niyang sabi.
Nagulat nalang ako nang hinawakan niya bigla ang kamay ko at dinala ako sa hindi ko alam kung nasaan na parte na ito ng university. Ang naalala ko lang ay may dinaanan kaming hallway at may pasikot-sikot hanggang sa tumigil kami sa paglalakad at ngayon ay nasa harap na kami ng di kalumaan at kalakihang classroom.
"Nasaan tayo?" pagtatanong ko pero hindi siya sumagot. Bagkus ay may kinuha siya mula sa bulsa niya. Isang susi.
Lumapit siya sa pinto nang classroom at binuksan iyon.
"Follow me." sumunod naman ako sa kanya na ngayon ay pumasok na sa silid.
Pagpasok ko ay nagugulat ako sa aking nakikita. Ibang-iba ang laman ng silid na ito kumpara sa karamihan. Sumalubong sa akin ang nakatiles na sahig. Nakapinturang mga ding-ding na color lightblue at may iba't ibang paintings at artworks ang nakasabit. May dalawang malalaking sofa. May malaking Flatscreen TV, 3 set of computers at marami pang ibang kagamitan. Parang bahay na ang lugar na ito. Kompleto lahat.
"This is our secret hide out kung nagtataka ka." giit niya at pumunta sa may kusina.
Hideout dito sa school? Wow.
"Feel free to sit Tinay." narinig ko pang dagdag niya.
Naupo naman ako dito sa sofa kaharap ng di kalakihang lamesa na may flower vase at mga walang laman na plastic nang chichirya. Bumalik si Vhaon na may dala nang bimpo at mga icecubes na nakalagay sa isang bowl. Madali niya iyong inilapag sa lamesa.
"Gamitin mo para mawala na 'yang pamumula ng pisngi mo." utos niya sa akin na nakatingin sa ibang direksyon.
Madali ko namang kinuha ang bimpo at nilagyan iyon ng dalawang icecubes saka ko ipinapahid sa magkabila kong pisngi.
Maraming tanong ang gustong kumawala sa aking sarili ngayon. Bigla kong naalala ang nangyari kanina kaya napayuko nalang ako.
"Bakit mo ako tinutulungan?" wala sa huwisyo kong tanong kay Vhaon.
Hindi siya madaling nakasagot.
"Simple. Kapag nangangailangan ng tulong, tutulungan."
"Pero hindi ko naman sinabing tulungan mo ako."
"Dahil alam kong kailangan mo."
Natahimik ako saglit sa sinabi niya. Pero may nag-udyok sa akin na tanungin pa uli siya.
"Bakit mo ko kinampihan ngayon laban kay Henize? Diba dapat kumampi ka sa kanya? Girlfriend mo siya."
Masama siyang napatingin sa akin.
"She's not my girlfriend and will never be my girlfriend." That shut me up. Buong akala ko ay magkasintahan sila.
Ano ba talaga kayo? Tas kung makaakto itong si Henize, hindi naman pala jowa.
"Walang kami." dagdag pa ni Vhaon.
Hindi nalang ako kumibo.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni pinsan noon na beware of Vhaon. Kasi Player ka Vhaon. Womanizer, Two-timer, Ghoster o kung ano pa man ang tawag. Ngayon ay naging malinaw na sa akin ang lahat.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Novela JuvenilSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...