Cristina Apello's POV
Isang linggo na nga ang lumipas at pinanindigan nga ng lintek na Vhaon ang kaniyang panliligaw sa akin na nagpabulabog sa lahat kesyo nagbago na nga siya, ang tinaguriang dakilang PLAYER. Pero imbis na kikiligin nga ako sa kaniya ay mas lalo lamang akong naiinis. E paano ba, 'yong sinasabi niya kasing panliligaw niya ay puro lamang sa salita at wala naman sa gawa. Sinong hindi maiinis doon? Akala ko ba ay pagta-trabahuan niya?
It's still a big NO for me.
Nang sumapit ang Martes ay mag-isa akong napaaga ng punta sa University dahil nahuling gumising si Xyriel. Gugustuhin ko pa sana na maghintay sa kaniya at nang magkasabay na kaming dalawa pero sinabi niya lang na huwag na dahil nakakahiya daw na maghihintay pa ako para sa kaniya. Kaya wala akong nagawa kundi ang pumunta ng mag-isa.
Habang papalapit ako sa silid namin ay nahihiwagaan naman ako nang tanaw na tanaw ko pa ang napakaraming mga talutot ng pulang rosas na pumaligid sa buong harapan ng pintuan namin. Sino namang tanga ang magsu-surpresa ng ganito ngayon e panghuling linggo palang ng Agosto at ang layo pa sa Valentine's Day aber?
Napapailing nalang ako habang tinatapakan ang mga kawawang talutot ng rosas at madaling pumasok sa silid namin na walang katao-tao.
Madali na sana akong mapaupo kung hindi dahil sa aking nakikita ngayon na nagpatigil sa akin ng todo. May isang bigkis ng makukulay na daisy, at sa gilid nito ay may isang malaking box ng chocolate na may sticky note na nakadikit. Madali akong napalapit at tiningnan ito. Unang dumapo ang paningin ko sa nakasulat sa sticky note.
You're amazing. Remember that.
- V.LNapalingon lamang ako sa kawalan matapos kong mabasa ang nakasulat at sa aaminin ko talaga ay gumaan ang loob ko kahit alam ko na kung kanino ito galing lahat. Walang iba kundi kay Vhaon.
"Good morning Cristina."
Madali akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at hindi ko maiwasang mag-iwas ng tingin nang dahil sa maaga niyang bungad. Pagkatapos ay tumama ang mga mata ko sa dalawa niyang kamay na may dalang dalawang plastic na bote ng stick-O.
Hindi ko siya sinagot at bagkus ay nagkakamot lang ako sa ulo.
"Ano 'yan?" Napakaklarong pagtatanong ko pa kay Vhaon habang nakatutok pa rin sa dala niya.
"For you." Tipid niyang sagot sabay ngiti. "Kung nagtatanong ka kung para saan ba ang lahat ng ito, para sayo. Nanliligaw nga kasi ako. If last week was words over actions, this time it's actions over words."
Napailing naman ako ng konti. Gagawin na niya ang hinahanap ko? Hindi ko namamalayan na napangiti na ako sa kawalan. Hindi ako kinikilig ah. Nako-kornihan lang ako kay Vhaon ngayon.
"Damn, that smile Cristina." Narinig kong asik ni Vhaon sa harapan ko.
Nagtatanong naman ang mukha kong siniko siya at pagkatapos ay natawa. Ewan ko rin, gusto ko lang siyang tawanan sa ginawa niya ngayon kaya nagpalakad-lakad ako sa harapan niya. Pero natigil ako nang madaling inilagay ni Vhaon ang dala niyang stick-o sa katabing upuan at hinawakan ang magkabila kong kamay na nanginginig na ngayon dahil sa kaba sa hindi ko malaman na dahilan.
"Bakit?" Diretsahang pagtatanong ko pa sa lalaking palaka.
Mahinang napabuga ng hangin si Vhaon sa gilid saka napangiti at pinisil ang mga daliri kong hawak-hawak niya.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...