Rhain Weza's POV
Madali lang lumipas ang oras at dalawang buwan na ang nagdaan simula nung buksan ang klase. Ibig sabihin, August na. To be exact, it's August 1, 2019. Thursday.
Masaya lamang akong nag-iisang nandito sa silid at nagwawalis dahil ang mga kaklase ko siguro lalong-lalo na sina Xyriel at Rhain ay kumakain pa ng kanilang pananghalian. 'Yan ang tantiya ko sapagkat alas dose na ngayon. Ayaw ko naman silang puntahan ngayon sa Canteen dahil nasa modo akong mag-hintay. Sa totoo niyan ay umuwi kasi ako kaninang umaga dahil masama ang pakiramdam ko at napag-alaman ko lang naman na masakit ang tiyan ko at kailangan kong ilabas ang dumi sa katawan kung kaya ay doon nalang din ako sa amin na kumain ng pananghalian at saktong bumalik ako ngayon dito sa silid namin na walang katao-tao. Kaya naisipan ko nalang na magwalis. Nang matapos ay mabilis akong napaupo sa isang armchair na nandito at nagnilay-nilay.
Sa nagdaang mga araw ay maraming mga bagay ang nangyari. Una na dyan ang mga gawain sa school pero ayos lang dahil buhay pa naman ako, pangalawa ay ang napapansin ko na parang may kakaiba kay Blaze at Cristina. Hindi ko alam kung nakikita ng karamihan pero nababasa ko kasi sa kanilang mga mata na meron talaga. Kung close na kasi sila noon ay mas close sila ngayon. Featuring sweetness overload na ako lang siguro ang nakakapansin. Sila ang isa sa mga pagkatuunan ko ng pansin ngayon.
Pang-tatlo ay si Xyriel, alam kong alam niya (pero hindi ako sigurado talaga) basi sa kaniyang nakikita patungkol kay Cristina at Blaze pero nag-da-doubts pa rin siya, nababasa ko rin sa mga kilos niya na nagseselos siya kay Cristina pero hindi lang pinahalata talaga pero kitang-kita ko naman. And as usual, the same Xyriel na mahal si Blaze. Suportado pa rin ako sayo Xy. Pang-apat at pang-huli ay si Carl. Oo siya, marami na ngang nagbago pero one thing for sure ang napatunayan kong hindi nagbago: walang iba kundi ang pagpupursegi pa rin ni Carl na mapaibig ulit ako sa kaniya. But I already did. What I mean is that, I think this is the right time for me, for US to begin again.
Mabilis akong nag chat sa kaniya. Alam kong magugulat siya dahil for the last two months, nag-chat na ako sa kaniya ng matino at makabuluhan:
Nasa room ako. Where are you?
Napatingin ako sa convo namin na mostly sa kaniya lang din naman puros ang mga chats at thrice in a week lang ang reply ko sa mga chats niya na puro lang din naman K, ikr, balaka, Oh.
Pupuntahan kita dyan Rhainy. Hintayin mo ako.
Mabilis na reply ni Carl. Napadungaw ako sa bintana na malapit dito sa inuupuan ko. Isa pang martyr at marupok si Carl. Napangiti nalang ako. Hindi pa man lumipas ang isang minuto ay may narinig akong pumasok mula sa pintuang nasa likod. Mabilis akong napatingin doon at nagtama ang aming mga paningin ni Carl. Sabi niya ay pupuntahan pa niya ako. E bakit ang bilis naman niya? Nakita kong ngumiti siya kaya napabuntong hininga lang ako. Ano ba ang e-re-react ko?
Nakita kong naglalakad siya papunta sa gawi ko at umupo sa katabi kong armchair. Nakatingin lang siya sa harapan nang makaupo na siya at ako naman ay madaling napatingin sa kawalan. Walang niisang gustong magsalita sa aming dalawa. Ano ba ang sasabihin ko?
"Rhainy sorry..." Siya na ang bumasag sa katahimikan.
"Hindi naman sa inabandona na kita o hindi na kita mahal nung natapos ang mga panahong hinihingi natin para sa ating mga sarili. Sasabihin kong kasalanan ko Rhainy dahil hindi ko manlang sinabi sayo ang rason ko kung bakit hindi na ako nagparamdam sayo at kung bakit umaakto nalang akong hindi kita kilala." Narinig ko siyang nagbuntong hininga.
"Oo, kasalanan ko pero paano ko naman kasi masasabi sayo ang totoong dahilan ko kung hindi pwede."
Nagtatanong ang mukha kong napatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...