Cristina Apello's POV
Tapos na akong magbihis ng damit pantulog kaya bago ko napagdesisyunan na lumabas dito sa kwarto ay tiningnan ko pa muna ang orasan sa lamesa.
Alas sais na.
Nasa bulsa ng suot kong pajama ang kamay ko habang naglalakad ako pababa sa hagdanan.
"Hi Tinaaaaaa. I miss you." masayang bungad ni Rhain sa akin dito sa sala.
Nandito na nga siya. Nakasuot siya ng pantulog kagaya ko at may dala-dalang maliit na bag na nasa balikat pa niya. Kung tutuusin, si Xyriel nalang ang naiiba sa aming tatlo dahil kaming dalawa ni Rhain ay nakapantulog na. Siya lang ang nakasuot ng malaking t-shirt at short.
"I miss you too." pabalik na sagot ko kay Rhain.
"Grabe! Ako itong may sakit tas hindi nakapasok kanina pero si Tina pa ang nami-miss mo. Isa kang tunay na kaibigan, Rhain." sarkastikong ani ni Xyriel.
"Xy, syempre na-miss kita pero na-miss ko rin si Cristina. Quits lang. Mahal kaya kita. Ang nag-iisang Xyriel Begru ng buhay ko." litanya pa ni Rhain para makuha ulit ang loob ni pinsan.
Napangiti naman si Xyriel ng abot mata. Matapos ay nandidiri itong napatingin kay Rhain.
"Yuck. Sorry. Saka na kita mamahalin pabalik kapag naging si Blaze ka na." natatawang ani pa ni pinsan.
"Usapang Blaze na naman. Duh." Rhain sabay nag-rolled eyes.
Kinurot ko naman si Rhain sa braso.
"Dito ka talaga matutulog?"
Dahil sa naging tanong ko ay napatingin si Xyriel sa direksyon ko at nakangisi.
"Come to think of it Cristina. May sleepover bang hindi matutulog dito? Segi isipin mo."
Sinamaan ko siya ng tingin kaya sabay silang dalawa napatawa.
"Letche flan. Segi pagtawanan niyo lang ako."
Tss.
"Kamusta naman ang practice mo Rhain?" pagtatanong ni Xyriel nang bumalik na sila sa huwisyo.
"Great. Maganda pa rin ang boses ko. Charot."
"Sana ol maganda ang boses." At nagtawanan na naman kaming lahat.
Natapos lamang ang malalakas na tawanan nang bumungad sa harapan namin si Tita Sandra na kakagaling lang mula sa boutique niya.
"Hi girls." bati ni Tita sa aming tatlo. Bumati naman kami pabalik sa kaniya.
"Mums, nandito si Rhain." Xyriel
"Mabuti naman at bumisita ka uli dito sa bahay Rhain. Matagal na mula nung panghuling punta mo dito." malumanay na pagsasalita ni Tita.
Madaling napangiti si Rhain sa sinabi ni Tita Sandra.
"Yes Ta."
"That's good. Just enjoy yourselves." nakangiting giit pa ni Tita.
"By the way, kumain na ba kayo?" dagdag pa niya.
Madali naman kaming sumagot sa kanya nang hindi pa.
"Then let's eat dinner together. Nakahanda naman din ng makakain si Nay Taling."
Napatango nalang kami sa sinabi ni Tita saka kaming lahat dumiretso na sa kitchen area kung saan may nakahanda na ngang maraming nakakatakam na pagkain. Kasama na doon ang ginisang ampalaya na kagaya sa luto ni mama doon sa probinsya. Ang pinagkaiba lang ay ang luto nila dito ay may kasamang baboy pero kay mama ay wala.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...