Chapter 13: Threat

429 31 7
                                    

Cristina Apello's POV

"This is the library."- saad ni Blaze.

Nasa unahan siya naglalakad habang ako ay sunod-nang-sunod lang sa kaniya.

"Katapat dito ng library ay clinic, doon."- itinuro ni Blaze ang clinic.

"Hmm." Napapatango naman ako.

"Tapos na tayo sa principal's office, music room, meeting hall, school garden, library, fiel-- "- pinutol ko na kung ano pa man ang kaniyang sasabihin.

Kailangan na kailangan ko na talaga.

"Ang CR ba, asan?"- nag-peace sign pa ako sa kaniya.

"Kanina lang kasi ako gustong umihi. Siguro hinihintay ko lang kung kailan mo sasabihin sa akin kung nasaan ang CR dito." Dagdag ko pa.

Napatawa si Blaze.

"Every room ay may CR para sa girls at sa boys. Pero mayroon ding CR sa whole campus. Tara at samahan na kita."

Tumingin ako sa kaniya ng diretso.

"Ituturo mo lang. Hindi sasamahan."

"HAHAHAHA. 'yun na nga."

Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod nalang din ako.

Ang pantog ko kahit anong oras ay sasabog na.

Kanina lang kaya ako dapat umihi kaso *wag na natin pag-usapan pa ang ibang mga bagay*

Hindi ako maka-move-on sa nagawa ko pero hindi ko naman 'yon magagawa kung di siya ang nagsimula diba? Tas nag-sorry na din ako. Tyaka unexpected ang nangyari dahil sa tiyan naman talaga ang target part ko at hindi sa noo niya.

Kahit na Cristina, nagawa mo pa rin 'yon.

"Dito."- nabuhayan ako sa sinabi ni Blaze at hindi nalang ginulo pa ang aking isip. 

Sa wakas.

Agad-agad akong dumiretso sa CR para sa mga babae. Mabuti naman at walang katao-tao kaya madali akong naka-ihi.

"Tapos na."- bungad ko kay Blaze na naghihintay sa akin sa labas.

"Thank you." dagdag ko pa.

Ngumiti lang siya ng matipid kaya ngumiti nalang din ako.

"Blaze may tanong sana ako sayo. Pwede lang ba?"- nahihiyang sambit ko sa kaniya.

"Yeah sure. What is it?"

"Pinsan mo si Henize?"- diretsong tanong ko sa kaniya kahit alam ko na sa sarili ko na positibo na talaga ang sagot.

Napatingin naman siya sa akin. Kasi naman parang hindi ako makapaniwalang pinsan niya 'yon. Narinig ko kasi kanina. Sa ugali palang nun ay ibang-iba na. Mabait itong si Blaze habang si Henize ay sobrang maldita. Mukha palang ay kitang-kita na.

"Yes. She's my cousin. Why?"- pagsagot niya.

Confirmed. Pinsan niya talaga.

Sasabihin ko sanang may nagpapatanong lang pero ang bobo ko naman siguro kapag sinabi ko pa 'yon.

"Wala lang naitanong ko lang naman."- tugon ko sa kaniya.

Tumango nalang siya.

Maglalakad na sana kami nang may dalawang estudyante ang bumungad sa harapan namin.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon