Chapter 53: Official

133 9 0
                                    

Cristina Apello's POV

Nang tuluyang mawala na si Marco sa paningin ko ay hinarap ko na si Vhaon na ngayon ay hawak na ang mga pagkain at isang teddy bear na bigay sa akin ni Cocoy na madali kong inilagay sa sahig kanina.

"Tinay, sorry. Kung nagalit ka man sa akin sa biglaang ginawa ko kay Marco ay tatanggapin ko ngayon dahil mali naman talaga ako. Inuuna ko ang bugso ng aking nararamdaman at sobrang naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko 'yon nagawa." Paliwanag pa ni Vhaon nang makalapit na ako sa kaniya at kinuha ang mga ibinigay sa akin ni Cocoy at ipinasok ang lahat ng iyon sa bag ko.

Nang matapos ako ay madali kong tinititigan sa kaniyang mga mata si Vhaon at napangiti ng matipid.

"Hindi mo naman kasalanan. Ayos lang." Pagsagot ko pa. Nahihiya namang napatingin sa malayo si Vhaon.

"Sorry talaga Tinay---"

Itinaas ko nalang ang kamay ko sa harapan ng mukha niya.

"Ayos lang Vhaon." Nakangiting pag-amin ko pa. Sa katunayan nga ay kinikilig din ako sa biglaang pagsulpot niya at may pa I don't want anyone other than myself to hug you so intimate. Tss.

"Bakit ka ba nandito ngayon?" Pagtatanong ko pa.

"To see you and also to congratulate you. Congratulations Tinay!" Aniya na may masasayang ngiti sa kaniyang labi.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ibig sabihin ay absent ka na naman ngayon sa mga afternoon classes natin?"

"Sino namang nagsasabing mag-a-absent ako? Wala din naman tayong klase ngayon dahil may meeting lahat ng afternoon teachers natin." Naka-smirk niyang saad.

Nagkibit-balikat lang ako at maya-maya pa ay sumalubong  sa aming dalawa sila Blaze at Mrs. Veda.

"Good afternoon Ma'am. Congrats Blaze." Bati pa ni Vhaon kay Ma'am at nakipag-fist bump naman si Blaze kay Vhaon.

"Naparito ka Vhaon." Nagugulat na sambit pa ni Ma'am Veda.

Nagkakamot naman sa kaniyang batok si Vhaon. "Inanunsyo po kasing wala kaming klase ngayong hapon. Wala lahat ng afternoon teachers namin dahil may meeting."
"I see." Tumatango at nakangiting pagsagot ni Ma'am.

"Karamihan ba sa mga kaklase natin ay umuwi nalang? Sila Xyriel ba nasaan?" Nahihiyang pagtatanong pa ni Blaze at tiningnan lang namin siya ng makabuluhang tingin ni Vhaon at pati na rin si Ma'am.

"Syempre, kasama sina Rhain at Carl. Pakisali nalang rin sina Axe at Tyler." Pagsagot pa ni Vhaon sabay akbay sa akin. Sinamaan ko nalang siya ng tingin dahil napatingin sa amin si Ma'am na nakangiting nagtaas ng kaniyang isang kilay.

"Kayo talaga. Segi na at bumalik na muna ako sa silid dahil kukunin ko na ang mga gamit ko dahil aalis na tayo. Nga pala, nakuha ko na ang certificate ninyong dalawa ni Blaze, Cristina. Pero bukas ko nalang maibibigay dahil kailangan din ng lagda sa Dean ng University natin." Giit pa ni Ma'am Veda at napatango naman kami ni Blaze saka na siya napapailing na bumalik sa assigned room namin dito at sumunod din naman sa kaniya si Blaze at naiwan kaming tahimik lang ni Vhaon.

Maya-maya pa ay nakita ko nalang na hinawakan na ni Vhaon ang kamay ko at madali lamang siyang kumindat sa akin.

"Heh!" Singhal ko pa sa kaniya.

Nang makabalik na sila Ma'am ay dala na nila ang lahat ng mga gamit nila ni Blaze at nakahanda nang lumisan sa paaralang kinatatayuan namin.

"Ma'am Veda, pwede bang hindi na sasama sa inyong dalawa ni Blaze si Cristina pauwi. Magkasama nalang po kaming uuwi dalawa." Anunsyo pa ni Vhaon sa gilid ko nang sumenyas na si Ma'am Veda na umalis na kami.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon