Chapter 9: First Day

491 39 8
                                    

Cristina Apello's POV

Nagugulat na nagising ako sa tunog ng alarm clock na nandito sa side table ko.

Nanibago ako kasi doon sa amin sa probinsya, boses ni Mama ang gigising sa akin. Araw-araw talaga kapag may klase ako o may pupuntahan ako nang kay aga ay nagigising ako nang dahil kay Mama.

Miss ko na siya.

Kung kaya ay nagulat nalang ako nang may malakas na tunog ang bigla kong narinig kaya ako nagising. Siguro si Xyriel ang may pakana at may alam nito pero bahala na.

Madali nalang akong tumayo dito sa kama at nag-unat-unat saka tiningnan ang oras.

6:00 AM na.

"Ang aga pa. Hayts. Mabuti naman." - giit ko na humahangos papuntang CR at madaling naligo at nag tooth brush.

Matapos kong maligo ay agad kong sinuot ang inihanda ko nang damit kahapon na susuotin ko.

Sinabi na ni Xyriel sa akin na hindi school uniforms ang susuotin nila sa Campus kundi ay iba-iba lang o sari-sari.

Nagtataka nga ako nung una kasi sa probinsya nga dapat school uniform. Hinding-hindi ka makakapasok kapag hindi plantsado ang uniform at hindi talaga itim ang sapatos na susuotin.

Tapos dito? Sari-sari lang?

Kaya ang suot ko ngayon ay isang saktong jeans, jeans na may malaking espasyo't disenyo sa hulihan. Ang pang-itaas ko ay isang T-shirt na maliit na plain kulay skyblue na tinapatan ko ng gray na dollshoes na nandito lang sa aparador.

"Insan, tapos ka na?"- narinig kong giit ni pinsan sa labas ng kwarto ko ngayon. Tiningnan ko ang alarm clock, 7:20 AM na.

8:00 AM pa ang simula ng klase namin.

"Tapos na insan."

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin si Xyriel na nakasuot ng leggings at fit white t-shirt sa taas.

All can say is ang ganda ni Xyriel ngayon.

"Ganda mo Xy ah!"

"Inborn na."

"Totoo?!"

"Di ka naniniwala?"

"Ewan ko. Aba!"

"Cristina naman oh. By the wa----" napatigil si Xyriel at tiningnan ang suot ko mula ulo hanggang paa.

"Ano?"

Patango-tango pa siya sabay sabing...

"Okay na."

Napakunot nalang ang noo ko.

Dala na namin ngayong dalawa ni Xyriel ang bag namin papuntang kusina. Ako lang ang nag-alabagpack kasi ang bag ni Xyriel ay maliit lang, sling bag kumbaga baka pinaunlakan lang niya ang sling bag ngayon palibhasa ay first day pa.

E uso pa nga doon sa amin ang bagpack. May kumpetisyon pa nga doon kung sino ang may pinakamalaki at pinakamagandang bag.

"'Yun na ang kain mo Xyriel? Kumain ka pa."- pagrereklamo ni Tita Sandra sa pinsan ko saka niya pinaglagyan ng Lemon pie at sandwich ang plato ni Xyriel.

"Mums... I'm done."

"Xyriel, kapag sinabi kong kumain ka pa, kumain ka."

"Mums when I say I'm done. I'm done. E papaano? May extra stomach ba ako kamo para doon pa ilagay ang kakainin ko? O'sya segi nga, donate mo na sa akin ang tiyan mo!" pagrereklamo rin ni Xyriel.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon