Cristina Apello's POV
"Ma..." Pag-uulit ko pa nang walang nagsalita mula sa kabilang linya.
"Tinang!" Bungad ng isang boses lalaki. Napangiti naman ako.
Si Marco.
"Hoy Cocoy! Ikaw pala 'to. Bakit ka napatawag? Saan si Mama?"
Narinig kong tumawa siya at pagkatapos ay tumahimik rin.
"Nagluluto pa Tinang. Kamusta ka dyan?"
Napatikhim pa muna ako bago pinakiramdaman ang kaniyang pag-hinga. Napatawag na din naman si Mama sa akin sa nakaraang linggo pero hanggang kamustahan lang kami, 'yon nga ay hindi ko pa rin nasabi ang totoo.
"Ayos lang ako dito. Kayo Cocoy?"
"Okay lang din. Na-miss ka na namin dito ng sobra." Matipid pero may konting saya tas kirot pang sambit ni Cocoy. Napangiti naman ako ng mapait.
"Ako din. Sobrang miss ko na kayo."
Kung sasabihin ko nalang kaya ang totoo kay Cocoy?Maya-maya pa'y napabuga ako ng hangin at nagsalita na pero nagugulat nalang dahil magkasabay pa talaga kami ni Marco.
"May sasabihin ako."
Natawa kaming dalawa.
"Segi, ikaw na ang mauna." Magkasabay na naman naming banggit bago ulit tumawa ng malakas. Nang tumahimik kami ay ako na ang naglakas-loob na sabihin na sa kaniya ang totoo.
"Cocoy, may manliligaw ako."
Narinig kong tumahimik ang kabilang linya na para bang sobrang nagulat sa sinabi ko.
"Ah?"
"May manliligaw na nga ako." Pag-uulit ko pa.
Narinig ko pa siyang tumikhim ng mahina at nagulat nalang ako sa ginawa ni Cocoy dahil mabilis niyang pinuntahan si Mama sa kusina at sinabihan ng mga salitang sinabi ko sa kaniya kani-kanina lang.
"Totoo ba Cristina?" Seryosong pagtatanong pa ni Mama sa akin ngayon.
Napakamot naman ako sa aking ulo.
"Oo Ma. Pero huwag po kayong mag-alala kasi okay naman po siya tsaka hindi ko naman po pababayaan ang pag-aaral ko dito Ma---"
"Aba, dapat lang. At kung makapagsabi ka naman ay akala mo nobyo mo na e nanliligaw pa naman. Naku, Tinang. Kagaya nga ng sabi ko sa'yo at ng Papa mo na huwag magmadali sa mga ganyang bagay. Dadating at dadating din naman 'yan sa tamang panahon. Hindi naman 'yan aalis kaya maghintay ka." Pangaral pa niya sa akin.
Napayuko naman ako at magsasalita na sana nang inunahan na naman niya ako ulit.
"May plano ka nang sagutin ang manliligaw mo?"
"Ah. Ewan ko Ma. Hindi ko pa alam."
"Talaga? Mabuti. Baka 'yang tao na 'yan ay kagaya lang sa mga lalaki dyan na walang magawa sa buhay at ikay pinag-tripan lang. Kilatisin mong mabuti."
Napa-ubo naman ako ng konti at parang gusto kong ipagtanggol si Vhaon mula kay Mama. "Hindi Ma. Pero sa aaminin ko ay may pagka-walang modo talaga siya noon pero nagbago po siya. At ayon nga po kila Xyriel at sa mga kaibigan ko dito ay malayong bumalik pa ang dating siya noon dahil pursegido po talaga siyang mapa-ibig ako't ginagawa niya lahat para mapasaya ako. E sa katunayan nga ay nagsimula siyang manligaw sa'kin sa panghuling dalawang linggo nung nakaraang buwan."
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...