Cristina Apello's POV
Habang nasa byahe papuntang sementeryo ay napatigil pa muna kami ni Vhaon sa isang flower shop para bumili ng dalawang bigkis ng dilaw na rosas at pati kulay pula na malalaking kandila. At sa kagustuhan pa ni Vhaon, bumili nalang din kami ng dalawang box ng dunkin' donuts at apat na maiinom na soda.
Matapos ang dalawampung minutong byahe ay nandito na nga kami sa sementeryo at nasa harapan na namin ang puntod ng Mama ni Vhaon.
Nagngitian pa kaming dalawa matapos naming mag-alay ng dasal.
"Alam mo Vhaon..." Panimula ko pa na nagpatigil sandali kay Vhaon sa pagbubunot ng mga ligaw na damo sa gilid ng puntod ng Mama niya. "Kung nasaan man ang Mama mo ngayon, alam kong sobrang saya niya sa'yo."
May galak sa mga mata akong nakikita kay Vhaon matapos niyang haplusin ang lapida ng kaniyang Mama sa harapan. Nakangiti lamang ako ng mapait sa kaniya. Hindi ko lubos akalain kung ano ang magiging kahihinatnan kung mawala ang mga magulang ko sa piling ko.
"Pero mas sasaya si Mama, Tinay kung ipapakilala kita sa kaniya. Diba Mama?" Masayang tugon pa ni Vhaon.
Hinawakan naman ng isang kamay ni Vhaon ang isang daliri ng kamay ko.
"Mama, si Cristina nga po pala, my soon to be girlfriend."
Madali ko namang sinundot sa tagiliran si Vhaon dahil sa pagpapakilala niyang iyon at tumatawa lang siya ngayon kaya napangiti ako.
"Ayan! Ang gwapo mo kung tumatawa ka." Pag-amin ko kay Vhaon.
Ngumiwi naman siya. "Edi tumawa nalang ako magdamag para palaging gwapo ako para sa'yo."
"Oo para sasakit din 'yang ngala-ngala at gilagid mo." Pagsagot ko pa saka siya binelatan.
Natigilan naman ako nang taimtim niya akong tinitigan sa mga mata.
"Seriously, that's the first time I heard you saying gwapo to me. I'd never expected it. Thanks though I want you to keep saying it."
Tinabig ko ang kamay niya sa gilid.
"Wao! Gusto pang ipa-ulit sa akin ng loko."
"Segi na. Ulitin mo na. Mga tatlong ulit pa." Pamimilit niya pa na nagpasimangot sa akin.
"Gwapo si Vhaon. Gwapo si Vhaon. Gwapo si Vhaon. Totoong gwapo nga siya pero siya'y pumapangalawa lamang sa pinakagwapong nilalang na nakilala ko sa mundong ibabaw."
"Bakit? Who's the first one?" Taas-noong pagtatanong niya pa.
Tumikhim naman ako bago ulit nagsalita.
"Si Blaze." Matipid ko pang sagot na madaling nagpabuga ng hangin kay Vhaon sa harapan.
"Naga-gwapuhan talaga ako kay Blaze kasi gwapo naman talaga siya." Dagdag ko pa na nagpakunot sa noo ni Vhaon.
"What's the point of telling me that?" Angal pa niya.
"Yes! Si Blaze ang para sa akin na pinakagwapong lalaking nakilala ko pero noon lang, ngayon ay iba na. At syempre, ikaw 'yon." Mahina pero rinig na rinig kong tugon.
Nakikita kong napapangiti ng malawak si Vhaon nang dahil sa sinabi ko at huli ko nang napag-alaman na pinipisil na niya ang dalawa kong pisngi.
"Loko ka." Asik ko pa at napatigil naman siya sa pagpisil sa mukha ko.
Maya-maya pa ay lumipas ang ilang minuto na nasa harapan pa rin kaming dalawa dito sa puntod ni Tita Martha, Mama ni Vhaon at nagku-kuwento lang si Vhaon sa akin sa mga masasayang ala-ala niya sa Mama niya.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...