Cristina Apello's POV
Masamang tingin ang ibinibigay ni Henize habang papalapit ito sa direksyon namin ni Blaze.
Sa akin lang siya masamang nakatingin.
Nang makalapit siya ay napatigil siya sa harapan ko nang nakataas ang kaliwang kilay at may mahinang ibinulong sa akin na hindi rinig sa pwesto ni Blaze.
"You're with my cousin right now kasi nagsawa ka na kay Vhaon? Ganoon ba 'yon?"
Nagrolled eyes pa siya bago ulit dinagdagan ang sinabi niya.
"Wait for my deadly revenge Crispy Pata."
Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin ay madali niyang inilayo ang pagmumukha niya sa tenga ko at naka-smirk na umalis hanggang sa di ko na siya muling matanaw pa.
"What did she whispered?"
Nabuhayan nalang ako sa naging tanong ni Blaze.
Muntik ko nang makalimutang kasama ko pala siya dito.
"Ahh--wala." Napayuko nalang ako at nagsimula nang maglakad uli. Naramdaman kong napasunod sa akin si Blaze.
"Cristina." Pagtawag pa niya.
"Hmmm."
"I'm sorry for what my cousin did to you." Nang dahil sa sinabi niya ay napatigil ako.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo Blaze. Wala ka namang ginawang masama." Nakakunot noo kong tugon.
"Ako wala pero ang pinsan ko meron. Ano pa man ang nagawang di maganda ni Henize sayo ay ako na ang magso-sorry." Nakita ko ang sinseridad sa kanyang mukha habang nagsasalita.
"I'm sorry." ulit pa niya.
"Blaze, sa susunod 'wag kang magsorry sa taong wala ka namang nagawang kasalanan. At kung nagso-sorry ka para sa iba-- please lang sa susunod huwag mo nang gawin 'yan."
Napangiti siya nang pilit nang dahil sa sinabi ko.
"Hali ka na. Pupuntahan pa natin si Mrs. Veda baka nakalimutan mo."
"Yes." tanging naisagot niya lang.
Sinalubong agad kami nang napakagandang ngiti ni Mrs. Veda pagkadating namin dito sa quarter niya.
"Study these papers that I gave you." Mrs. Veda na nag-aayos sa mga papel na ibibigay niya sa aming dalawa ni Blaze.
"Gustuhin ko pa sanang turuan kayo bukas dahil sabado kaso may mahalaga pa akong aasikasuhin. Hangga't sa maaari ay basahin niyo nalang ito."
"Okay Ma'am." pagsagot ni Blaze habang kinuha ang mga papel na inabot ni Maam.
"Pwede ring mag group study kayong dalawa sa mga free time ninyo kung gusto niyo. Kayong bahala basta ang importante ay handa tayo." Ani pa ni Ma'am.
Sabay kaming napatango ni Blaze.
"That's all. You can go now for your next class. By the way, what's your next subject?"
"Math Ma'am." sagot ko.
"Segi salamat sa inyong dalawa."
Payapa naman kaming nagpaalam ni Blaze kay Ma'am para makaalis na at makapasok na kami sa susunod na klase. Pero bago pa man kami naglalakad pabalik ay ibinigay muna ni Blaze sa akin ang sarili kong kopya na kailangan kong pag-aralan para sa darating na Science Quiz.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...