Chapter 12: Wrong Target

452 29 7
                                    

Cristina Apello's POV

Nandito ako ngayon sa canteen kasama sina Xyriel at Rhain.

Natapos na ang dalawang morning subjects namin na SCIENCE at HISTORY na puro pakilala lang ang ginawa kaya heto kami ngayon, break time.

Akala ko pa naman ay wala na dito sa lungsod ang pakilala-pakilala kapag first day of school pero nandito rin pala ang rituwal na iyon?

"Heto na."- ani ni Rhain saka niya inilapag ang tatlong iced tea at cheese pancake sa mesa.

"Hoy ikaw Xy, please stop it. Mukha kang timang dyan kakangiti right Cris?"

Napangiti ako. Cris na naman.

"Oops sorry. Sabi ko ngang Tina. Cristina. T.i.n.a. Tina." dagdag ni Rhain na nakapikit pang inaalala ang nickname na ibinigay sa akin ni Xyriel, ang nickname na "Tina". 

Natawa nalang ako.

"Bagay kay Xyriel ang mukhang timang Rhain. Tss." Malakas na giit ko kaya napatawa nalang rin si Rhain.

"Ningitian kasi ako ng crush ko. Ahem.  I forgot to tell you Cristina that Blaze Elcantara is my crush."- saad ng pinsan ko na mahinang tumitili.  

"Di obvious masyado Xy noh?"

Naku naman. Alam na alam ko na. Kung makatili ka kasi parang wala nang bukas.

Hmp.

"Alam ko na pinsan. Grabe. Ang obvious mo masyado kanina. Wagas na wagas."-  Dagdag ko pa kaya agaran siyang napatingin sa akin.

"I know right. Lol." sarkastikong ani niya.

Napatawa na naman si Rhain.

"Kung alam mo lang Cris ay este Tina kasi anuba. Matagal na talaga niyang crush si Blaze. Hopeless romantic na ba? Tama ba ako Xy? Care to correct me if I'm wrong HAHAHAHA."- Si Rhain na mahinang kumakain ng cake niya.

Anong ibig sabihin ng hopeless romantic? 

Napatigil ako sa pagsipsip ng iced tea ko na ubos na pala habang hindi ko pa nagalawan nikatiting ang pancake na-in-order nila.

Agad akong napatayo nang tumawag ang inang kalikasan.

"Saan ka pupunta Tina?"- Tanong ni Rhain na nakatingin sa pagkaing kaniyang kinakain. Ganoon din ang pinsan kong topakin.

"CR lang ako." - saad ko.

"Balik ka agad Cristina."- saad ni Xyriel na kinikilig pa habang kumakain. May topak talaga ang pinsan ko.

Kumpirmado na.

Tuluyan na akong lumabas ng canteen at naglalakad na ngayon patungong CR. Napatigil at napakamot nalang ako ng mahina sa ulo ko nang maunawaan kong hindi ko pa pala alam kung nasaan dito ang palikuran nila.

Naku naman Cristina.

Silid namin-ang canteen-bulletin board-gymnasium- at parking lot palang ang mga lugar na alam ko dito sa eskwelahang ito.

Kung nagpasama din ako kina Rhain at Xyriel ay baka naman maka-istorbo din ako sa masayang kainan nila kanina.

-_-

"Ang bobo mo talaga Tinang."- mahina kong saad sa sarili ko. Pinisil ko naman ng mahina ang braso ko.

Saka ako napatingin kung nasaan ako ngayon. Nasa harapan ko ang isang silid na maluma na, siguro itong silid na ito ang pinaglagyan ng mga sira at gibang mga kagamitan dito sa University. 

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon