Chapter 46: Suitor

139 6 0
                                    

Cristina Apello's POV

Lunes ngayon at maaga naman kami ni Xyriel na nagising at naihatid ni Kuya Bens dito sa University. Kakalabas palang namin dito sa kotse ay saktong kakalabas lang din ni Rhain sa mini van nila kung kaya ay magkasabay na kaming tatlo na papasok sa Campus.

"ID." Giit pa nung guard na matagal nang nakabantay dito sa napakalaking gate ng School. At nang makita niyang may suot kaming ID ay mabilis niya kaming pinapasok.

Nang tuluyan na kaming makapasok ay nagkatinginan pa kaming tatlo at napatawa nang may naalala.

"Anong motto ng security guard?" Natatawang pagtatanong ni Xyriel sa aming dalawa ni Rhain.

"No ID. No Entry." Magkasabay naming sagot ni Rhain saka sabay kaming tatlo na napabungisngis.

Maya-maya pa'y habang naglalakad kami dito sa pathway ay natigilan nalang ako nang may tumawag sa akin.

"Tinay!"

Letche na Mister Unknown.

Nakita kong napatalikod na sa akin sina Rhain at Xyriel at nakikita na nila ngayon kung sino ang tumawag sa akin. Nang magbalik ng tingin sina Xyriel at Rhain ay nanunudyo na ang mga mukha nila sa gawi ko. Sinabihan ko na nga sila sa lahat ng totoong mga nangyari at ang seryosong pag-amin ni Vhaon sa akin nung Sabado at ang dalawa ay kinikilig pa pero anong nakakakilig doon? Kilala naman nila kung anong klaseng lalaki si Vhaon.

"Nandyan na si Vhaon para bwesitin ang araw mo!" Natatawang sambit ni Rhain na ini-emphasize pa ang salitang bwesit.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kaya kailangan ka muna naming iwan Cristina, baka kasi may importanteng sasabihin si Vhaon sa'yo." Nakataas kilay na ani ni Xyriel.

"Hindi na. Sasama nalang ako sa inyo." Mabilis ko pang pagsagot.

Sinipa naman ako ng mahina ni Rhain sa tuhod.

"Kausapin mo nalang. Huwag masyadong mainitin ang ulo Tina. Nakakapangit 'yan."

"Tinay!" Narinig ko pang sigaw ulit ni Vhaon na nasa di kalayuan. Aish.

"Segi na. Just face him. Good bye!" Panghuling ani ni Xyriel bago na kinaladkad si Rhain papalayo sa akin.

"Seryoso? Kaibigan ko ba talaga kayo?!" Pabalik kong sigaw sa dalawa pero nagkibit-balikat lang sila.

Napakagat labi naman akong napatingin sa suot kong sapatos kahit alam kong papalapit na sa pwesto ko si Vhaon. Putek na mga kaibigan. Alam nilang player si Vhaon e bakit pinangalandakan nila ako sa kaniya? Gusto ba nila akong magdusa? Gusto nilang makita na maging isa ako sa mga babae ni Vhaon? Hah! Hinding-hindi 'yon mangyayari dahil kahit na umamin na nga siyang may nararamdaman siya sa akin ay hindi ako maniniwala.

"What are you thinking?" Nakapamulsang pagtatanong sa akin ni Vhaon na nagpabalik sa akin sa huwisyo.

Mabilis naman akong napapikit ng mata. Hinihiling ko na sana hindi na magpakita at maglaho nalang bigla itong lalaking nasa harapan ko ngayon. Pero malabong mangyari 'yon.

"Oh? Anong paki mo?" May pa-astig ko pang pagsagot sa kaniya at pagkatapos ay pinasadahan ko siya ng tingin. May nagbago sa kaniya.

Napatingin ako sa ulo niya at oo--- bago na nga ang haircut niya. Army cut. Aminado akong nalilinisan ako sa bagong porma niya ngayon kesa noon na nagtataasan ang buhok niya sa harapan.

"What do you think? Bagay ba sa akin ang new haircut ko? Mas pumogi ba ako?" sunod-sunod na pagtatanong niya sa akin.

Napaismid naman ako ng mabilis.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon