Cristina Apello's POV
"Choose. What do you want to eat?"
Nakatingin lang ako sa pinsan ko habang binubuklat ang libro na nakapaloob daw ang iba't ibang klaseng mga cakes, juices, ice creams,candies, coffees at marami pang iba.
Umiling lang ako sa kaniya bilang pagsagot. Hindi ko kasi alam kung alin ang pipiliin.
Parang masarap kasi ang lahat ng nakapaloob doon sa librong tinitingnan niya.
Nandito kami ngayon sa sinasabi niyang Sweets- All-Shop.
Akala ko ba restaurant ang pupuntahan namin. Bakit nandito kami?
Malaki siya na shop na para sa akin ay kilala at sikat talaga ito dito dahil sa nakikita kong maraming mga tao na dumadayo at kumakain ngayon dito.
"Waiter!"- pagtawag ni Xyriel sa isang waiter na nakatayo sa di kalayuan.
"So... I will be the one to choose what will be the bests for the both of us." - bulong nalang ni Xyriel sa akin dahil wala talaga akong mapiling mga pagkain kahit isa man lang.
"Go."
Mabuti nga kung siya nalang ang pumili.
Lumapit ang waiter sa lugar namin. Tiningnan pa muna ako ng waiter mula paa hanggang ulo. Hindi ko nalang siya pinansin.
Ano ba ang dapat kong e-react? Diba wala.
Edi wala.
"Dalawang choco-apple cake, two halo-halo and lemonade nalang."- saad ni Xyriel sa waiter.
"Okay Ma'am." Sagot ng waiter sabay tango bago umalis upang kunin ang order ng pinsan ko.
"Tina, comfort room lang muna ako. Just wait right here for our order. Don't worry I will be the one to pay for it."- saad ni Xyriel bago tumayo at naglalakad na palayo patungong CR ng shop na ito.
Hindi ko alam kung ano ang problema ng mga tao sa akin. Kung makatingin kasi sila sa akin ngayon mula paa hanggang ulo ay parang may ginawa ako sa kanila na hindi katanggap-tanggap.
Ano bang meron?
May kumulbit bigla sa aking likuran kaya agad akong napatayo at napatingin kung sino ang taong kumulbit sa akin. Isang maputi na mas matangkad pa sa akin na lalaki.
"May I have this table?" - saad ng lalaking naka-hood nang lumingon ako sa kaniya.
Napatingin bigla ang mga mata ko sa makinis niyang mukha, matataas niyang pilik-mata na papunta sa mala-kape niyang dalawang pares ng mata, may kataasan na ilong hanggang sa pinkish niyang labi.
"Hey! May I have this table?"
Nagising nalang ang diwa ko sa pag-ulit niya nang sinabi niya.
Kasalanan ko bang bingi itong kaharap niya.
"Ho? Sorry po talaga pero may naka-upo na po dito at mas nauna pa po sa inyo. Pumunta at pumili nalang po kayo ng ibang lamesang nandirito po."- mahinhin pero seryoso kong saad sa lalaki.
"Tss." mahinang singhal niya.
Tiningnan lang ako ng lalaki na para bang iniisa-isang ini-inspeksiyon ang aking buong pagkatao at halatang nagagalit sa pagsagot ko sa sinabi niya.
Problema niya?
"You see, all the tables here were occupied already except only for this one. Did you get it?"- frustrated na saad ng lalaki sa akin.
Bakit? Hindi ba ako isang tao na kagaya niya, nila?
"May nakaupo na nga po dito. Mas nauna pa po kami kaysa sa inyo. "- pagpapaliwanag ko ng malumanay.
Nakita kong nagsimula nang magsitayuan ang mga taong nandirito at tinitingnan kami kung anong nangyayari.
Kanina pa kayo. Mga tsismosa at tsismoso. Tse.
"Get lost! I have a date so leave this table as soon as possible. And besides, what are you doing here? Just sitting? You are not even ordering something to eat. You did not hope to see and fight with a devil atleast once in your life right? Then already put on your mind the two words "back off". Get that?"
Hindi ko alam pero agad na kumulo ang dugo ko sa lalaking ito. Kaya napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan. Unang-una sa lahat, may nagmamay-ari at nakaupo na nga dito sabi. Pakihanap ang paki ko kung magde-date kayo ng girlfriend mo. At higit sa lahat, may problema ba kahit na nakaupo lang dito? Wala hindi ba?" sigaw ko sa lalaki na ngayon ay walang naitugon bilang sagot.
"I am very sure that you'll feel sorry about yourself if you know about this: If you're just a devil, then meet me, the baddest of all the devils. Gets?" napamaang ang lalaki sa panghuling sinabi ko.
Maya-maya pa ay may isang babae na mas matangkad pa ng konti kay Xyriel at mas mataas pa sa akin ngayon dahil sa suot niyang heels na papalapit sa lalaki. Nakasuot siya ng skirt at fit shirt na halos mag-mukhang bola ang hinaharap niya dahil sa porma ng T-shirt at dahil din sa laki.
"What is the matter babe?"- saad ng babae nang makalapit na siya.
Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay tiningnan niya lang ako ng nakakainis na tingin. Para bang siya lang ang nag-iisang taong nakaramdam ng sobrang kamalasan sa buhay kaya siya ay inis na inis. Buti nga sa kaniya.
Tiningnan ko ang reaksyon ng babaeng ka-date ng lalaking ito kuno na napataas ang kilay sa gawi ko at siguro na gets na niya kung ano ang problema.
Lumapit ang babae sa akin saka bumulong.
"Don't you dare to touch my Babe."
"Hah!" bulong kong singhal sa babae.
Wala akong planong maging isang katulad mo. At higit sa lahat, wala akong planong agawin ang lalaki mong bulok.
Hinaplos niya pa ang buhok ko na mabilis na nagpagalaw sa akin.
"Sa fashion mong 'yan. Well, hindi ka uubra sa akin." Tugon niya pa saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Way back 16's pa 'yang fashion mo, Manang." - panghuli niyang saad sa akin.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.
"Babe? Let's sit."- dagdag niya pa saka ako tinulak ng mahina.
Kaya sila na ang umupo ngayon sa lamesang inupuan namin ni Xyriel kanina.
Nakita ko naman ang waiter na in-orderan ni Xyriel kanina na napatigil lang habang dala-dala ang mga order ng pinsan ko.
Bago pa man ako gumawa ng kung anong aksiyon. Sinamaan ko muna ng tingin ang dalawang magkasintahang bulok sa harapan ko saka ko kinuha ang dalawang saplot ng paa ko at ipinagbabato ito sa dalawa na ngayon ay masayang nag-uusap.
"Enjoy your date." mahinang naisambit ko.
"Ouch!"- narinig kong angal ng babae habang hinihimas ang pininturahan na niyang pisngi dahil sa sobrang make-up na inilagay niya doon.
Bagay iyan sayo, Manang.
"What was that for?"- galit na reklamo ng lalaki dahil na head shot at naglanding ang saplot ng paa ko sa ulo niya.
Bagay rin 'yan sayo lalaki ka. May pa demonyo-demonyo ka pa e wala namang maibubuga.
"Pinsan? What happened?!"
Narinig kong pagsigaw ni Xyriel mula sa aking likuran na ngayon ay hindi na mawari ang mukha na nakatingin sa akin.
"May tinapos lang." Pagsagot ko pa saka ako ngumiti ng nakakaloko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...