Cristina Apello's POV
Matapos ang pag-welcome sa mga estudyante sa gymnasium ay hindi ko na nakita pa si Blaze Elcantara dahil agad akong hinila ni Xyriel.
Mabuti naman at nandito na ang pinsan kong topakin.
"Mabuti naman at nakita din kita." - saad ni pinsan na ngumingiti pa.
Napakunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya.
"Wao. Ikaw naman kasi! Pinauna ba naman ako. Ano kaya sa tingin mong mangyayari sa akin? Alam mo namang bago palang ako dito. Hindi ko pa kaya alam ang pasikot-sikot dito aber."- ani ko sa kaniya saka ko siya sinamaan ng tingin.
Bilangin ko kaya ang mga lugar na alam ko na, hindi sa masyadong alam ko na pero kung pupuntahan ko ulit ay sigurado akong makakabisado ko talaga: Parking lot, 'yong sa bulletin at gymnasium lang. Oha. Tatlong lugar palang ang alam ko dito.
"Bahala na. Ang importante ay nakita rin kita."
"E paano kung hindi mo ako nakita?"
"Ano ba talaga Cristina, pwedeng magfocus ka nalang sa present? As in sa ngayon."
"Walang present kung walang past. Kahit sabihin mong okay ka na, pero deep inside pa rin ay binabangungot ka pa ng mga alaala sa nakaraan."
"Hmp. Anong konek?"
"Unawain mo kasi. Palibhasa ang hina mo sa analyzation."
"Too much for that, sorry na. May tumawag kasi sa akin. May practice daw kami sa cheerdance mamaya. E' hello, first day na first day ay practice agad-agad." -Sinundot ko nalang siya sa tagiliran.
Mabuti pa sa mabuti talaga at nakita ko 'yong anak ni Hermes o si Hermes? (sino ba talaga?) ay este si Blaze nalang dahil kung hindi, hindi ko na alam kung nasaan na ako sa napakalawak na university'ng ito.
Naglalakad na kami ngayon ni Xyriel. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta o lulusot. Pero nagulat nalang ako nang tumigil siya sa paglalakad kung kaya ay tumigil nalang din ako.
Sunod-sunuran kumbaga.
Nasa harapan ko na ang isang silid na may nakasulat na Grade-10 A sa ibabaw ng pintuan.
Nagising nalang ang diwa ko nang may nagsasalita sa harapan namin ni Xyriel saka ko siya tiningnan.
"Na naman Xyriel? Makikita ko na naman ang buong pagmumukha mo araw-araw? Ha. Ano pa bang aasahan ko?" - may pagtataray na hindi ko alam ang boses ng babaeng ito na nagngangalang Henize.
Siya nga ang nagsasalita sa harapan namin ngayon ni Pinsan at nakakainis pa ang boses niya. Sobra.
Tss.
Una niyang tiningnan si Xyriel at pagkatapos ay tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya ako.
Kilala na pala ni Xyriel ang babaeng ito.
"Psh." mahinang bulong ko nalang.
"Duh." bulong din ni Xyriel.
"This will be fun!" - Panghuling giit ni Henize saka na siya pumasok sa loob ng silid kung saan ang mataas at tuwid na blondie niyang buhok ay sumayaw dahil sa biglaang pag-ihip ng hangin.
Kung kaya ay classmate ko rin siya?
Pagkatapos umalis at pumasok ng babaeng iyon ay malumanay nalang akong tumingin sa mukha ng pinsan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/119285459-288-k54884.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...