Cristina Apello's POV
Hindi naman ganoon ka walang gana ang Sabado ko. Nagising ako ng maaga dahil sa narinig kong malakas na rock music na pinatugtog mula sa kwarto ni Xyriel. Madali akong bumaba papunta sa living room at binati naman ako ni Nanay Taling. Gaya ng nakasanayan na ay hindi ko na naabutan pa si Tita Sandra dahil maaga na naman itong pumunta sa boutique.
At hindi paman lumipas ang tatlong minuto ay nakita ko ang pagbaba ni Xyriel sa hagdanan na nakabihis na ng disente, suot ang shoulder bag niya at hawak sa magkabilang kamay ang sariling digital cam. Madali niyang sinabi sa akin na aalis siya dahil may Photography class pa siyang papasukan. Pina-enroll kasi siya ni Tita Sandra. Ayon pa niya ay madali lang naman 'yon dahil taga sabado buong araw at may 6 executive Saturdays lang 'yung klase. Matapos niya sabihin lahat nang 'yon ay saka na siya umalis.
Madali naman akong dumiretso sa kusina at kumain ng umagahan kasama si Nanay Taling at nang matapos ay tinulungan ko nalang din na magligpit ng pinagkainan namin si Nanay saka na ako dumiretso sa kwarto ko at nag-composed ng text message kila Mama sa Probinsya.
Kumusta na kayo dyan Ma? Ayos lang po ako dito. Kahit busy sa school ay nakayanan parin ng nag-iisang anak ninyo na tumawa tsaka isa ako sa representative ng school sa Science Quiz. Nami-miss ko na kayo lalo na kayong dalawa ni Papa. Mag-ingat kayo dyan. Alam ninyong mahal na mahal ko kayo. Di bali, babawi nalang ako sa inyo sa susunod. Pakisabi din kay Cocoy na na-miss ko na rin siya.
Matapos ko 'yon binasa ng makailang ulit ay si-nend ko na. Hindi na ako magtataka pa na baka matagal pa makakapag-reply pabalik sa akin sila mama o baka hindi na dahil napaka-busy ng panahon ngayon doon sa Probinsya namin. Ang mga tao doon ay tutok sa palayan kaya naiintindihan ko.
Napahiga naman ako dito sa kama at napatingin ako ngayon sa keypad cellphone ko at nabasa ang text message na natanggap ko kagabi mula sa taong pinangalanan ko nang Mr. Unknown dahil hindi ko naman talaga siya kilala. Agad-agad nalang kasi siyang tumawag sa akin doon sa school. Unregistered number. Tss.
Goodnight.
Received 9:08 PMSa totoo nga nyan ay tumawag siya sa akin kagabi at hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at sinagot ko ang tawag niya kung kaya ay nag-usap kami. Sinabi niya na IDOL niya talaga ako dahil ang galing ko daw palang kumanta at nakapag-audition pa ako sa bandang Ze Crusher, 'yon ang nakalap niyang balita.
Ayon pa sa kaniya na tatanggapin daw talaga ako ni Sir Juel para sa banda kung kaya napag-alaman ko na taga Wenzus High din siya at ibig sabihin nun ay schoolmate lang kami pero hindi naman niya sinabi kung sino siya at hindi nalang din ako nagtanong pa. Nagpasalamat lang ako sa kaniya sa huli at doon ko na tinapos ang tawag. Kaya pala nararamdaman kong may ibang pares ng mata ang nakatingin sa akin sa Campus.
Maya-maya pa'y tumunog ang keypad cellphone na hawak ko parin sa isang kamay. Galing kay Mr. Unknown.
Have a nice day, Cristina.
Napailing nalang ako at madaling kinuha ang school bag ko sa gilid pero hindi ko pa naman ito nabuksan ay umilaw ang iPhone ni Vhaon. Hindi ko nalang pinansin dahil kagaya kahapon ay nag-text na naman siya ng GOODNIGHT sa akin kagabi pero hindi ko lang din pinansin.
Kaya pilit na napangiti lamang kong kinuha ang mga gamit ko sa aking bag at inilabas ang mga kakailanganin lalong-lalo na ang lecture notebook ko sa History, Black stabilo pen na nasa side table at ang History book namin para mag-aral na.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...