Cristina Apello's POV
Maraming sasakyan ang bumubusina kaya ang iingay.
Mga taong palakad dito-lakad doon, ingay dito-ingay doon. Marami pang mga malalaking tindahan, struktura at establishimento na makikita sa daanan.
Mga batang lansangan na naglalaro sa gilid ng kalsada at hindi maiwasan ang mga batang humihingi ng kung ano-ano.
Iyan ang nakikita ko mula dito sa bintana ng kotse ni Tita Sandra at masasabi kong nasa lungsod na talaga kami.
"Are you tired Cristina?"- Tanong ni Tita Sandra sa akin. Napailing naman ako sa gawi niya.
"Malapit na tayo sa bahay, kunting push nalang."
Natawa pa ako ng mahina sa naging dagdag na sabi ni Tita.
"Okay lang po."
Nakita kong pumasok na kami dito sa isang malaking subdivision.
May nakasulat kasi na 'Liveland Subdivision: Sub. 1' sa itaas ng malaking gate na una naming pinasukan kanina. At ngayon ay pinagbuksan at pumasok na naman kami ulit sa mataas na namang gate na nakaharang saka tumigil ang sinasakyan naming kotse.
"Nandito na po ba tayo Tita?" - agaran kong tanong sa kaniya.
"Yes. We're here already."- saad niya saka unang bumaba.
"Bumaba ka na." Mahinahong utos pa ni Tita Sandra sa akin.
Hindi pa naman ako bumaba dito sa loob ng kotse ay nakatayo sa harapan ko ngayon ang isang malaking bahay na tanaw na tanaw ko pa ng malinaw mula dito sa loob.
Ay, hindi ito isang bahay lang. Mansyon. Mansyon ito!
Pagbaba ko ay bumungad sa akin ang napakagandang landscape ng garden na puno ng iba't-ibang mga magagandang bulaklak.
Iba't-ibang kulay at klase.
"Mums! Nandito na ba si Cristina?"- narinig kong pagsigaw ng pinsan kong si Xyriel sa loob ng mansyon nila.
Xyriel Begru. Nag-iisang anak nina Tita Sandra at Tito Louie Begru.
Sumunod ako kay Tita na pumasok sa loob ng mansyon nila. Sumalubong ang napakagandang mga disenyo ng bahay nila. Mapataas-baba man, malinis lahat. Ibang klase na talaga.
May bumati din sa akin na mga katulong pagpasok na tantiya ko pa ay tatlo lahat kaya binati ko din sila pabalik.
As expected, binigyan agad ako ng napakalaking yakap ni Xyriel nang makita na niya kami ni Tita Sandra dito sa sala. The same Xyriel na nakita ko noong unang punta ko palang dito.
Short black hair, maputi, matangos ang ilong, maliit ang mukha, at hindi ganoon katangkad. Mga 5'2 tingin ko.
"My cousin!" Masayang bungad niya sa akin.
"Nah."
Natawa ako ng mahina kay Xyriel dahil nagkunwari pa kasi siyang umiiyak habang nakayakap pa rin sa akin. Palibhasa ay nag-iisang anak kagaya ko kaya medyo may pagkapraning. Syempre, siya lang ang praning at hindi na ako doon kasali.
"How are you? Welcome nga pala dito sa amin. Buti at pinayagan ka ni Tita Linda na dito ka mag-aaral sa lungsod." Tugon pa ni Xyriel sa akin nang bumitaw siya sa pagkakayakap.
Naisip ko bigla si Mama nang dahil sa sinabi niya.
"Oo naman pinsan."- saad ko saka pilit na ngumiti. Nagkibit-balikat lang sa akin si pinsan.
"Mamaya nalang iyan Xyriel, dalhin mo muna siya sa kwarto niya para makapagpahinga na iyang si Cristina o baka nagutom ka Cristina, kumain ka muna e hindi ka pa kumain ng pananghalian."- mahinhing saad ni Tita Sandra sa gilid.
Nagkibit-balikat lang ulit at napatango ng ulo si Xyriel saka hinawakan ng mabilis ang braso ko.
Hindi naman ganoon kahaba ang byahe. Nasa isang oras at dalawampung minuto lang naman.
"Dito tayo."- bulong niya sa akin saka kami pumanhik dito sa hagdanan nila.
"Cristina, this is my room. At ang room mo ay doon."- saad niya saka itinuro ang room ko na katabi lang naman ng room niya.
Ang weirdo ng pinsan ko. Sinaniban ata?
"If you need anything please don't hesitate to call me. By the way, ang mga gamit mo ay ihahatid lang iyon mamaya nila Manang. Pero wag kang mag-alala dahil may mga damit na rin dyan sa cabinet. Go! Pumasok ka na."- malakas na giit niya.
"Eh?" Naitanong ko nalang saka niya ako itinulak ng mahina papasok.
Wala na akong magawa pa kundi ang pumasok sa magiging silid ko. Isang kama na saktong-sakto para sa akin. May study table, small library din na puno ng mga libro (ito ang gusto ko), at may computer set at printer. Iyan lang ang nakikita kong nandito sa loob.
Ang yaman talaga nila. Walang-wala ito doon sa probinsya namin.
Telebisyon at radyo lang naman ang nakasanayang gamitin ng mga taga probinsyang kagaya ko.
Pero kahit na wala kami ng mga ganitong mga makabagong teknolohiya doon sa probinsya ay kilala ko naman kung ano ang mga bagay na ito. Ang problema ay hindi ko alam kung paano ang mga ito gagamitin.
Pero wala din namang masama kung pag-aaralan diba?
Napakamot nalang ako sa leeg ko.
Ganito ba talaga ang lungsod? Nakakapanibago.
"Cristina, mag bihis ka. May mga damit na dyan sa cabinet mo. May pupuntahan lang tayo. Samahan mo ako dali!"- sigaw ng pinsan ko mula sa kabilang kwarto.
"Saan naman?!"
"Basta." Mabilis na pagsagot sa akin ni Xyriel.
"Saan nga?" Pabalik ko pang sigaw pero hindi na siya nagsalita pa.
Nagkibit-balikat nalang ako saka nagdesisyong magbihis na. Hindi pa din naman ako inaantok. Saka na siguro ako magpapahinga, 2:33 PM pa naman.
Sana talaga ay maging maganda ang mga mararanasan ko dito sa lungsod.
Maya-maya pa'y pagkabukas ko sa pinto dito ng kwarto ko ay sinalubong agad ako ni Xyriel na tumitingin pa sa akin mula ulo hanggang paa.
"Ano 'yang suot mo Pinsan?"- malakas na tugon ni Xyriel sa akin kaya napatingin ako sa sarili ko sa pamamagitan ng malaking salamin na nandito.
Nakasuot lang naman ako ng mataas na palda at isang T-shirt na sakto lang.
May mali ba?
"Why?"
"Hmmm."
Hindi siya sumagot bagkus ay tiningnan niya lang ako ng 'aalis kasi tayo-look'.
Saka ko tinanaw ang suot niya. Maikling palda at isang sleeveless shirt lang plus magandang sandals na bumabagay sa suot niya ngayon.
Ang ganda at ang kikay niyang tingnan.
"So...whatever. Tara na nga."- biglang saad niya na hinihila na ako pababa.
Baka kung anong mangyari sa amin dito sa hagdanan.
"Mums, we will be going to a restaurant probably to eat. Promise, we will be back early. Sabi din kasi ni Cristina na hindi muna daw siya magpapahinga. Bye!" Mabilis na pamamaalam ni Xyriel kay Tita Sandra.
Sinabi ko ba 'yon? Hindi naman.
Ningitian ko lang ng pilit si Tita.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...