Vhaon Lopax's POV
Matapos ang klase sa araw na ito ay mabilis akong umuwi sa amin, naligo at nagbihis. Nung mag-alas siyete na ay hindi na ako nag-abalang bumaba pa dahil naiinis ako sa pagmumukha ng ina-inahan ko kung kaya ay dinalhan nalang ako ni Nay Ester ng makakain pero hindi ko naman ginalaw.
Nakahiga lang ako dito sa kama. Biglaan nalang pumapasok sa isipan ko ang mga pangyayaring nagbigay sa akin ng todong galit at inis. At dahil iyon sa nag-iisang Probinsyana.
It all started with our first ever bad meeting and my-poor-first impression all about her.
Tiningnan ko ang kabuuan niya at ang pangit pa ng pananamit: Mataas na palda, T-shirt na para sa akin ay hindi naman sakto para sa kaniya, at nakasuot lang ng tsinelas. In this whole wide CITY? Tsinelas lang ang suot niya?! Duh. Typically, she's not my type.
But out of all the girls I met out there...
She's totally different.
"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan. Unang-una sa lahat, may nagmamay-ari at nakaupo na nga dito sabi. Pakihanap ang paki ko kung magde-date kayo ng girlfriend mo. At higit sa lahat, may problema ba kahit na nakaupo lang dito? Wala hindi ba?"
Palaban.
"Hoy lalaki! Wala kang pakialam! Hindi ka prinsipe sa lugar na ito kaya wala kang karapatang pag-utusan akong umalis!"
Pilosopa.
"Nangyari na. Kaya mas mabuti nang limutin at palipasin nalang."
Napakabrutal.
"Ganoon pala 'yon?! Matapos mo na akong kaladkarin papunta dito tas ngayon, sasabihin mo lang na wala ka palang kailangan sa akin ha! Lintek ka talaga e! Sinisira mo talaga araw ko. Bwiset! May pa kailangan-kailangan ka pang sinabi kanina e ngayon wala naman."
Walang duda na siya ang magiging target ko.
"Alam ko kung ano ka Vhaon. Isa kang dakilang player. Isang PLAYBOY! 'Yung itinuring mo lang na parang mga damit ang mga babae matapos silang gamitin at pagsawaan ay papalitan nalang. Wag ka nang magmaang-maangan pa Vhaon, ako na ba ang target?"
And all of that, she's getting on my nerves. Ako ba ang kinakalaban niya? Hell. No way. Never! I won't let her mess up with me. I had a tedious task to do and I know that it's a right revenge for her para makaganti na ako sa mga pinanggagawa niya sa akin.
I, Vhaon Lopax, I'll make you fall in love with me. I'll chase for you and as I promise to the moon and back, I'll make your heart breaks into pieces.
Though I always think that until when do I have to keep on chasing for you Cristina Apello, the one and only Probinsyana.I grinned.
I know I'll get my revenge. My game is not yet done, this is just the start.
---
It's Tuesday. Another day to enjoy. Masasabi kong magiging maganda ang araw na ito sa akin dahil kakatapos lang ng examination last week at walang klase kahapon dahil Holiday Day tas sakto pa ang tulog ko kagabi kaya mas lalong masarap ang gising ko. I do some push up for 30 times for a healthy mood and body of course before heading into the bathroom and do my stuff.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...