Vhaon Lopax's POV
"Babe Vhaon!"- pagtawag sa akin ni Henize. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papalayo sa kaniya.
Tch.
"That cheap girl named Cristina did that right?!"- malakas niyang sigaw na nakaturo pa sa noo ko.
Naalala ko na naman ang babaeng may gawa nito kaya nasugatan ang noo ko. At mas lalo akong nainis kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ngayon.
"Answer me Vhaon!" dagdag pa niya.
Walang hiya. Psh.
"Since hindi ka sumagot, I'll take it as a yes. Pero kahit hindi mo man sabihin ay alam kong siya ang may gawa niyan. Magbabayad talaga siya sa ginawa niya sayo!"- panghuling narinig ko kay Henize.
I, Vhaon Lopax, to let you know Henize Rezallia is not my girlfriend. Well yeah. Something like ang tingin ko lang sa kaniya ay pampawala lang ng boredom ko. Just like that.
Walang kami. Marami na akong mga babaeng iginaya ko lang kay Henize. Para sa akin ay para silang mga damit lang na kung saan ay kapag nagsasawa ka na ay papalitan nalang. Idine-date ko sila which is gaya ng sabi ko, katuwaan lang at never ako naging at magiging seryoso. 'Yan naman talaga 'yan. That's my life. I've never been to a serious relationship kasi wala naman talaga akong plano. Walang-wala.
Hell. No way. Never!
Mahirap bang intindihin?
Nasa loob palang ako ng campus pero may mga babaeng umiirit na sa kakatili. Well, I can't denied the fact e sa gwapo kasi ako at sikat pa.
Dumiretso nalang ako sa parking lot kung saan nandoon ang motor ko.
After a short ride ay nandito na ako sa bahay. Pagpasok ko palang ay binati na ako ng mga katulong. Tiningnan at ningitian ko nalang sila ng pilit.
Napipilitan lang.
"Vhaon, mabuti naman at maaga kang dumating ngayon. How are you? Kamusta ang first day of school?" saad ng Mama kong si Caye na hindi ko naman talaga Mama.
Kabit lang siya ng papa ko.
"At anong nangyari dyan sa noo mo?"- Dagdag pa niya nang ni-snob ko lang ang mga pinagsasabi niya.
Argh. Pinaalala mo pa ang may gawa nitong noo ko.
"Konting sugat lang 'to."- sagot ko sa kaniya.
"Tas mabuti nga at umuwi pa ako ng maaga kaysa sa hindi. Is there any problem with that?"- walang paki ko pang dagdag.
"Nothing."- saka siya ngumiti.
Ngiti niya mukha niya. Dahil sa kanilang dalawa ni papa ay namatay ang totoo kong ina. Wala naman akong magawa dahil kung susuwayin ko siya ay papaalisin ako dito sa mansyon ni Papa.
Ano pa bang laban ko?
Kaya umaayon nalang ako. Mabuti naman at walang anak ang Caye na ito sa Papa ko.
"Kumain ka muna." - saad niya nang makita akong naglalakad na ngayon sa hagdanan.
"Son, magmeryenda ka muna."- malumanay na saad ni Papa sa di kalayuan. Akala ko ba ay nasa trabaho pa siya sa oras na ito?
Siguro ay umuwi lang o di kaya'y nag half-day. Tss.
Hindi naman galit si Papa sa akin. Kahit na ganito ako ay hindi naman ako basagulero o kung ano pa. Isa siya sa nagmamay-ari ng kompanya na sikat dito sa Pilipinas with different branches to Europe countries at higit sa lahat ay isa si Papa sa may malaking shares sa University na pinapasukan ko which is sa Wenzus High. Kaya kayang-kaya kong tanggalin sa school ang sino mang estudyanteng sa tingin ko'y ayaw ko. Kaya siguro nagpakabit nalang ang ina-inahan ko dahil sa pera at kayamanan.

BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...