Cristina Apello's POV
Nung umaga ay umalingawngaw ang balita sa buong Campus na nagbalikan sina Rhain at Carl at mas lalong naniwala pa ang lahat maski ako nung nakita naming magkasabay na dumating sa classroom ang dalawa at siyempre, pasimpleng nag-hahawak kamay. Kung kaya ay kumpirmado talaga na SILA na ulit. At masaya ako para sa kanila.
Nang maka-upo na dito sa upuan niya si Rhain ay sinalubong lang din namin siya ni Xyriel ng masasayang ngiti.
"Omiiii! Mah heart. I'm so happy for you and Carl! Ahhh." Nagsisigaw pa na tugon ni pinsan kay Rhain at ginawaran ito ng yakap.
Nang bumitaw na ay madaling naglibot ang mga mata ni Rhain sa ibang sulok ng silid na ito kung saan naroroon si Carl, at alam kong nag-palitan sila ng mga matatamis na ngiti. Kapag inlove ka talaga...
"Congrats Rhain at ginawa mo nga ang sinabi mong sasagutin mo si Carl uliiiit." Banggit ko pa kay Rhain at madaling umupo dito sa armchair ko.
Sinuklian lang ako ng matipid na ngiti ni Rhain at pagkatapos ay tutok na napatingin sa aking mga mata na para bang may ipinahiwatid.
Mabilis naman akong nagpaalam sa kanilang dalawa at naglalakad papuntang Comfort Room dito ng classroom namin para sa mga babae na katabi lang din sa panlalaki. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok sa CR ay napatigil na ako dahil sa pagsulpot ni Henize at ang mga alipores niya.
"And where do you think your going huh Cristina?" Pagtatanong pa ng babaeng singtangkad ko lang, si Deira.
"Ano bang sa tingin mo? Hindi ba masyadong obvious na nasa harapan ako ng CR ngayon?" Pagsagot ko pa sabay tingin lang sa ibang direksyon.
Narinig ko siyang napasinghal at napatikhim naman si Clouie. Pero si Henize ay nakita ko lang na napairap ng pangatlong ulit. Buti nga sana kung matuluyan. Ay, my bad.
"Ikinaganda mo na 'yan? Supposedly, if someone gonna ask you politely, you should've answer in a nice way." Depensa pa ni Clouie sa kaibigan.
Napangiti ako ng mapakla sa kaniya. Tiningnan ko pa si Henize na nanonood lang sa amin ng mga alipores niya bago ako sumagot.
"Who are you to tell me to answer in a nice way to people like you? Do you think I have to? I don't think so. And as far as I recall, wala namang masama sa isinagot ko. "
Nakita kong gusto pang sumabat ni Clouie pero inunahan ko na siya.
"At huwag niyo din akong pangunahan na ikinagaganda ko ba ang pamimilosopa ko, bakit kayo ba? Ikinaganda niyo ba ang pagsulpot dito sa harapan ko ngayon at bwesitin ako? Sa tingin ko ay hindi. Na-stress siguro kayo. Segi, iyak na kayo baka kasi na damage na ang beauty niyo..." Giit ko pa.
Nagtataasan naman sila ng kilay sa akin.
"Deh. Charot lang 'yong sinabi ko.Wala pala kayong beauty." Nakangisi kong ani. Ganitong klase ng pag-uusap pala gusto niyo ha. Segi, pagbibigyan ko kayo.
Nakita kong napamaang silang tatlo. Maya-maya pa'y nag-ayos ng tayo si Henize.
"Huwag kang magmagaling ngayon porket tinulungan ka ni Vhaon last time at dahil din gustong-gusto ni Vhaon na gulihin ka at kung anong pagpapansin nalang ang ginawa. Siguro, ginayuma mo siya kaya ganoon siya umakto?" Walang prenong giit niya pa.
Tiningnan ko lang siya ng walang reaksyon. Nagsasawa na talaga ako sayo Henize.
Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit siya ganyan sa akin, kasi nagagalit siya na nakabuntot sa akin si Vhaon kahit hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin. Palibhasa hindi na siya ang target sa pangmadaliang entertainment ni Vhaon. Parehas lang siya nung dalawang Shelsea at Janice na itinapon nalang. Nabalitaan ko pang todo siyang nasaktan nung nali-link in si Vhaon sa dalawang bagong babae.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...