Chapter 44: Mr. Unknown

135 7 0
                                    

Cristina Apello's POV

Maaga akong nagising ngayon dahil sa malakas na pagtunog ng keypad cellphone ko. Napatingin naman ako sa tumawag at nakitang si Mister Unknown ito.

"Oh?" Bungad ko pa.

"Good morning!" Malumanay na bati niya sa akin.

"Same to you." Mahinang pagsagot ko.

"May morning joke ako sa'yo." Dagdag pa niya.

Naghihikab naman akong napalingon dito sa pintuan ko at pagkatapos ay sa orasan na nandito sa aking kwarto. 5:43 AM. Ang aga niyang napatawag.

"What is it Mister?" Pagtatanong ko pa.

Narinig ko siyang tumawa mula sa kabilang linya. Segi. Mas nauna pa ang tawa kesa sa joke. Ang galing.

"Ano ang tatlong joke na nakakatawa?" Bungisngis niya pa.

Naiiwan naman akong napapakamot sa aking ulo.

"Ewan. Hindi ko alam." Natatagalan ko pang pagsagot dahil sa pag-iisip.

"Ako nalang. Edi JOKE! JOKE! JOKE!" Pilosopong ani niya na nagpahagalpak sa akin ng pagtawa pero mahina lang dahil baka marinig ako ni Xyriel.

"Bahala ka sa buhay mo Mister Unknown. Galing ng JOKE mo ngayon. Benta sa akin! Gagi." Nakangisi ko ng sambit sa kaniya.

"Sabi ko sayo e. Next time naman. Ingat Cristina---"

Hindi ko man lang pinatapos ang kaniyang sasabihin ay pinatay ko na ang tawag.

Palagi naman kasi kaming ganyan. Kung hindi siya tatawag sa akin ay siya itong todong mag-text. Palagi lang akong walang paki kasi mabuti na din 'yon para may nagbibigay sa akin ng konting kasiyahan sa malungkot na pangyayari ng buhay ko ngayon. Kahit maaga pa ay mabilis akong naligo at nag-bihis. Nang maisipan ko nang bumaba ay naabutan ko na si Tita Sandra na kakatapos lang maligo at naghahanda na ng umagahan kung kaya ay tinulungan ko nalang siya. 

"Masaya ako sa balitang nakapasa kayong dalawa ni Xyriel. Keep it up! Even though these past few weeks, I find Xyriel very weird. Hindi ko na siya nakikitang nakikipag-usap sa'yo. Pero gaya nga ng sabi ko, ganyan lang talaga 'yan si Xyriel. Babalik lang din 'yan sa pagiging Xyriel..." Nakapilit na ngiting ani ni Tita Sandra sa akin.

Tipid naman akong napatango sa sinabi niya.

Tama't hindi pa din kami nagpapansinan ni Xyriel. Ako nalang din itong lumalayo dahil alam ko din naman na lilipas din ang sakit at galit na nararamdaman sa akin ni pinsan, kaya hangga't sa maaari ay lalayuan ko muna siya. Alam kong magkaka-ayos din kaming dalawa, hindi pa ngalang ngayon.

Nang mag-alas siyete na ay tapos na kaming kumain ng umagahan ni Tita Sandra at hindi pa rin gumising si Xyriel. Tantiya ko ay baka sa alas diyes pa ang punta niya sa University kung kaya ay magkasabay nalang kami ngayon ni Tita Sandra na papunta sa paaralan dahil kukunin nga niya ang report cards namin ni Xyriel.

Naiwan naman akong nag-iisa dito sa classroom dahil bago ibibigay dito sa silid namin ang mga cards ay may nagaganap pa na parents/guardian meeting sa hall. Naalala ko nalang bigla si Mama na kung saan ay siya ang palaging kumukuha ng report card ko doon sa paaralan namin sa probinsya. Napangiti nalang ako ng pilit.

Maya-maya pa'y tumunog ang cellphone ko at nakitang nag-text si Mister Unknown.

Ang init ata ngayon. Sobrang hot ko kasi.

Napangisi nalang ako.

Madali naman akong nagtaas ng tingin nang mahagilap ko sa di kalayuan dito sa gilid ko ang isa kong kaklase. Aminado akong ako lang mag-isa kanina dito sa silid namin pero bakit nandito siya at natatawa pang kaharap ang cellphone niya.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon