Cristina Apello's POV
Nagdaan ang Sabado at Linggo ay maayos naman na natulungan ko si Tita Caye sa lahat ng kakailanganin para sa birthday ni Vhaon nang hindi man lang ako nakipagkita at nakipag-usap kay Vhaon kahit na todo siya sa pag-te-text at gusto niya akong komprontahin.
Nalaman na din ni Tita Caye ang totoong nangyari at matagal ko na din siyang sinabihan nung Biyernes palang na hindi na ako pupunta sa Birthday ni Vhaon na gaganapin lang naman sa malaking likuran ng mansyon nila. Alam kung sasaya doon si Vhaon dahil favorite color niya na gray at black ang mga idinisenyo.
Kanina naman sa Campus ay hindi naman kami masyadong nakapang-abot ni Vhaon at todo iwas lamang ako sa kaniya nung papunta kaming mag-babarkada sa Canteen nung Lunch Time. Sa aaminin ko talaga ay ako lang ang nasasaktan sa ginagawa ko. Gusto ko siyang makausap at sabihin na sana ay bumalik nalang kami sa dati pero alam kong kailangan ko ito. Iiwasan ko siya kahit mahirap. Baka ako lang talaga ang nagmamahal sa relasyong ito at ayaw ko namang maiwan ni Vhaon sa ere matapos niya akong mahalin ng panangdalian lamang. First love ko siya tas first heartbreak din. Lintek.
Naiwan akong napabuntong-hininga matapos kong magbihis ng isang kulay gray na flowy dress na nandito sa cabinet. Napatingin ako sa ere-regalo ko sana kay Vhaon na hindi natapos. Isang explosion love box kung saan nakapaloob ang sampung rason kung bakit ko nagustuhan si Vhaon.
"Cristina, wala na ba talagang dahilan para magbago pa 'yang desisyon mong hindi pumunta?" Sambit ng pinsan kong nasa harapan ko na nakasuot ng slim black casual dress. Halata naman na handang-handa na siyang pumunta.
Napailing ako.
"Segi na Cristina, pumunta ka nalang. Sabay tayong dalawa. Dali na." Pamimilit niya pa ulit sa akin sabay pilit akong pinapatayo pero nagmatigas pa rin ako.
"Ayaw ko nga Xy." Malungkot kong ani.
"Birthday ng Vhaony mo tas ayaw mong pumunta? Sus, magbihis ka na. May gray casual dress dyan sa cabinet. " Aniya habang sinimulan nang ayusin ang buhok ko pero hindi paman niya tuluyang magawa ay pinaalis ko na ang mga kamay niya.
"Tina, paano kung sabihin ko sa'yo na ikaw lang ang gustong makita ni Vhaon sa kaarawan niya? Hahanapin ka niya doon." Nakataas ang dalawang kamay na banggit ni Xyriel. Halatang napapagod na siya sa kakapilit sa akin.
"Ako? Hahanapin niya? Marami naman siyang hanap-hanapin doon. Mga babae niyang bulok. Kaya bakit pa niya ako hahanapin?" Angal ko rin.
"Dahil ikaw ang girlfriend." Mabilis na sagot ni Xyriel na nakapameywang pa sa harapan ko.
Girlfriend? Mukhang malabo na ngayon Xy. Kung iniisip niya sana na masasaktan ako edi sana hindi niya hinalikan ang babaeng higad na 'yon.
"Ayaw ko." Matipid kong pagsagot sa kaniya at sinenyasan na siyang lumabas dito sa kwarto.
Napapailing nalang siyang itinuro ang isang daliri sa akin.
"Mahal ka ni Vhaon, Cristina." Panghuling salitang lumabas sa bibig niya bago na lumabas dito sa kwarto.
Naiwan naman akong napangiti ng mapait.
Mahal ba talaga ako ni Vhaon?
Napatayo ako at maya-maya pa ay narinig kong bumalik si Xyriel at sinilip ako ng konti sa pintuan.
"Ayaw mo ba talagang pumunta?" Paninigurado pa niya.
"Ayaw ko nga. Umalis ka na." Pagsagot ko nalang saka niya ako tinaasan ng kilay at nagkibit-balikat na tinungo ang sala. May narinig pa akong pagtunog ng kotse sa garahe kaya nalaman kong umalis na nga siya.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...