Cristina Apello's POV
Nang dahil sa aking nakikita ngayon ay napahawak ako sa braso ni Vhaon kahit madali niya itong hinawi.
"Oh?"
"Vhaon, nanaginip ba ako? Totoo ba talaga ang nakikita ko? Nasa ibang dimensyon na siguro ako ngayon e."
Nakita kong bumuga ng hangin si Vhaon.
"Tss. What are you saying? You're not dreaming."
Kung hindi ako nanaginip e anong klase itong nakikita ko. Sampalin niyo na ako, segi na.
"Edi sabihin mo sa akin ngayon---" Hindi niya ako pinatapos.
"Ang ano?!"
"Sabihin mo sa akin kung bakit may hagdan dito na gumagalaw. Pababa at pataas pa. May hagdan ba talagang gumagalaw ha? Ipaliwanag mo sa akin. 'Yon oh." Giit ko pa sa kaniya sabay turo ngayon sa hagdan na nasa harapan namin na gumagalaw.
"Dyos ko mariosep! Anong nangyayari sa mundo..." Dagdag ko pa.
Tumahimik si Vhaon. Namimilog ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay tumawa siya ng malakas. Napakalakas na pati ang mga taong malapit sa amin ay napatingin na sa kaniya. Sinita ko naman siya kaya tumigil pero nagpipigil pa rin ng mga mahihinang halakhak.
"Tell me the truth Tinay, you don't know anything about escalator right? Do you? HAHAHA."
Naalala ko ang naging tanong sa akin ni Vhaon kanina patungkol sa escalator at elevator na kung saan ay sumagot ako na alam ko.
Napapahiya naman akong napayuko.
"Hindi. 'Yung sagot ko kanina sa'yo na alam ko ay hinamon lang kita nun."
"BWHAHAHAHAHAHAHAHA." malakas na tawa na naman ni Vhaon.
"The fudge! Hagdan na gumagalaw?! Really?! AHAHAHAHAHA. Maka-easy ka kasi kanina akala ko naman alam mo talaga. Sabi ko na nga ba! Ignorante kang babae ka. BWHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA."
"Ano ba talaga 'yan? Bakit 'yan gumagalaw ha? Tingnan mo pa oh. May sumakay. Hindi ba mahuhulog ang mga taong nakasakay dyan? Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip."
"Ulol. 'Yan ang escalator. Gumagalaw 'yan dahil hightech na ngayon Tinay. This century is all about new innovations and high technologies. Siguro naman alam mo na 'yon. Isip-isip nga. Tss. Huwag ka ring praning. Hindi naman mahuhulog ang mga sasakay dyan. Isa nalang talaga at iisipin kong mas grabe ka pa kesa sa mga UFO HAHAHAHA." Mabilis na natatawa niyang giit.
"Alam ko namang hightech na tayo ngayon. Nagulat lang ako sa nakikita kong hagdan na gumagalaw. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakakita ng ganyan. Ewan ko sayo! Sira ulo ka talaga."
Madali namang hinawakan ulit ni Vhaon ang braso ko. Hindi ko nalang alam na baka mamaya nyan ay putol na pala ang braso ko. 'Wag ka nang magugulat Cristina.
"Ano nalang kaya ang mangyayari sayo kung ipapakita ko ang vacuum namin sa mansyon?"
"Anong vacuum?"
Nakarinig na ako ng salitang 'yan pero hindi ako sigurado.
"Sasatsat pa talaga e. Tara na." Asik pa ni Vhaon sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Fiksi RemajaSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...