Chapter 45: Face Revealed

138 7 0
                                    

Cristina Apello's POV

Nang pumasok na ako dito sa Canteen ay madaling nahagilap ng mga mata ko sina Rhain, Blaze, Axe, at Xyriel dito sa pwesto namin at nandoon na nga silang lahat. Kasama na si Vhaon at pati sina Carl at Tyler.

Nahihiya naman akong lumapit sa gawi nila at madali nila akong binati at pinaupo naman ako ni Rhain sa gilid niya na katapat lang si Vhaon.

Lahat sila ay tinitingnan lang ako ngayon pwera nalang kay Xyriel na nakatingin lang sa harapan. Ramdam ko rin ang palipat-lipat na tingin ni Blaze sa akin at kay Xyriel kaya napatungo ako.

"Mag-o-order muna ako." Giit ko pa at akmang tatayo na nang magsalita si Vhaon.

"Hindi mo ba nakikita ngayon ang lamesa? Punong-puno na." Nagkasalubong ang kilay na sambit sa akin ni Vhaon kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin saka nag-ayos ng upo dito.

Pagkatapos ay pinasadahan ko ng tingin ang lamesa namin. Ang dami ngang pagkain. Parang may fiesta dito sa lamesa namin dahil may rice, chicken curry, cheesy pasta, caldereta, fresh tuna, beef steak, egg pie, at cassava cake sa gilid.

"Seryoso kayo?" Naguguluhang pagtatanong ko pa na nagpakunot sa mga mukha nila.

"Sinong may birthday? Hindi siguro ako na-informed." Dagdag ko pa.

Nagugulat nalang akong napatingin kay Tyler dahil mabilis siyang tumawa ng malakas na pati ibang estudyanteng kumakain dito ay napapatingin na rin.

"Walang birthday hoy! Nagpa-deliver lang si Vhaon. Munting selebrasyon dahil sa tagumpay na performance ninyo at dahil nakapasa tayong lahat. Ang galing diba?"

"Hindi naman siguro natin mauubos lahat ng ito." Reklamo ko pa.

"Hindi 'yan." Carl.

"Problema pa ba 'yon? Kung ayaw mong kumain Cristina edi wag. Deh. Biro lang!" Nagpapatawang tugon ni Axe sa akin.

Nakikita ko pang binigyan ni Blaze si Xyriel ng pagkain nang sumenyas ito na kunin ang egg pie na malayo sa pwesto niya.

"Here." Mahinahong sambit ni Blaze sa pinsan ko nang maibigay ni Blaze at pagkatapos ay napatingin ulit sa akin.

Natahimik naman kaming lahat at wari'y pinakiramdaman ang paligid. Maya-maya pa'y nagpapalakpak si Rhain.

"Paano tayo mabubusog niyan kung magtitigan lang tayong lahat dito aber?"  Walang hiyang pambabara ni Rhain saka nilantakan ang beef steak kaya sumunod nalang kaming lahat sa pagkuha ng pagkain tutal ay gutom na din naman ako.

Nahihiya pa akong napapasubo ng chicken curry dahil napatingin pa din sila sa akin lalo na ang mga matatalim na tingin sa akin ni Vhaon.

"Paano kaya kung magkaayos na kayong dalawa?" Pagtatanong ni Vhaon matapos inumin ang apple juice na hindi ko alam na nasa isang kamay na niya ngayon.

"Sino?" Birong pagtatanong ni Carl at pagkatapos ay nagkatinginan silang lahat at tiningnan kami ni Xyriel.

"Magkaayos na kasi kayo..." Napapakantang giit ni Blaze sa gilid ni pinsan.

Natigilan naman ako dahil mabilis akong tiningnan sa mga mata ni Xyriel at madaling napailing at nagpatuloy sa pagkain.

"Huwag nga kasi pilitin ang ayaw. Hindi ba Cristina?" Axe habang nagsasawsaw sa chili sauce na nandito.

Ningisan ko lang siya.

"Hindi pa kasi ngayon ang tamang oras."  Natigilan naman silang lahat sa sinabi ko at nang tiningnan ko sila ay agaran lamang silang napapatingin sa malayo at nagsimula ulit sa pagkain.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon