Chapter 24

10.1K 276 16
                                    

Aliah's POV

Halos magiisang buwan na siyang tulog at wala man lang sign na magigising na siya,halos lahat ay malungkot dahil sa nangyari sa best friend ko.
Ang iba ay nawawalan na ng pagasa pero kami hindi dahil alam kong babalik siya.
Hindi rin natuloy ang leveling dahil mas kinakailangan naming magensayo para sa nalalapit na digmaan.
Pero sinabi ni headmaster na nextweek ay magsisimula na ang leveling kaya mas kinakailangan naming pagbutihin ang paggamit ng mga magic namin.
Bali dalawang araw na lang at leveling na.

Ang tagal naman niyang gumising?
Bulong ni Ezekiel na nasa tabi ni Mika.

Almost 1 month na siyang tulog!
Di ba nananakit ang mga mata niya!
Pagtatanong ni aldrin na ikinatawa namin.

Aldrin,puro ka talaga kalokohan.
Natatawang aniya ni dylan na nasa tabi ni arriana.
Itong isang ito simula ng madala si Arriana dito sa clinic halos araw araw din siyang nandito kasama ang mga Royalties maliban kay tyler na malimit lang namin makasama pero alam kong bumibisita siya dito dahil minsan ay naabutan ko siya.
At lubos ko iyong ikinatutuwa.
Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil hindi nila ako pinabayaang magisa,hindi nila kami iniwan.
Naging mas malapit na din kami sa isat isa pero hindi pa din nila alam kung sino ba talaga kami.

Oh magpahinga muna kayo,kami na muna ang magbabantay sa kaniya.
Biglang sulpot ni tita Cass.

Gusto mo bang sumunod kami kay arriana! Singhal ni lycka dito.
Ayaw ko pang mamamatay ,ayaw kong matulad sa kanya.
Sigaw nito saka bigla na lang nawala.

Nakakunot ang noo namin ng humarap kami kay tita Cass na nakahawak sa noo niya.

Ano bang nangyayari sa isang iyon?
Tanong nito.

Hindi po namin alam tita,hindi pa ba Kayo nasasanay sa ugali ng isang iyon.
Alam nio namang parang pasan noon ang mundo.
Aniya ni Ezekiel saka tumayo at niyaya  na kaming magpahinga.
Nagteleport na kami sa aming mga kwarto at natulog na.

Tyler's POV

Kailangan mo na siyang makita,Wag kang magalala dahil hindi ka na mahihirapang hanapin siya dahil magbabalik na siya, malapit nio na siyang makasama!Wag kang mawalan ng pagasa!
Anya ng babaeng nagpakita sa akin kahapon!Hindi ko alam kung ano ang ipinupunto niya!Para siyang sirang plaka na paulit ulit na sinasabi sa akin ang mga katagang iyon.

Mahal na prinsipe ,bakit kaya ang tagal gumising noong si arriana.
Halos isang buwan na siyang nandoon sa clinic ah?
Tanong ni lara ang fairy ko.

I don't know!
Maikli kong sagot sala nagteleport papuntang clinic kung saan nandoon si arriana.
Nilapitan ko siya at doon ko napansin na nanunumbalik na ang dating Kulay ng labi nito kung dati ay wala itong kulay ngayon ay meron na.
Hinaplos ko ang buhok niya saka siya hinalikan sa noo.

I don't know what i feel.
Sa tuwing nakikita ko siyang walang malay parang may kirot akong nararamdaman.
Halos hindi ako lumiliban sa pagbisita sa kanya.
Gusto kong protektahan siya sa lahat ng oras Kahit alam kong hindi naman dapat dahil hindi  namin siya kaano ano.
Siguro nga ay tama si lara na nahuhulog na ang loob ko dito.
Pero kinakailangan ko itong pigilan dahil hindi maaring dalawa ang taong mamahalin ko.

Lalo na kung totoo ngang magbabalik siya.Bulong ko.
Lumayo ako dito at saka bumalik sa kwarto ko at nagpahinga na!

The Lost Legendary Princess Of Valden KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon